Xin's Point of View
Pagod na pagod nako sa byahe. Napakahaba ng byinahe namin ni manong. Diko alam kung san kami pupunta. Basta nalang ako pinasama ni mommy kay manong na ngayon ay sersosong seryoso sa pagmamaneho.
Basta ako eto nasa likod ng kotse. Tinitignan ang labas na puro matatayog na mga puno. This is my comfort zone. Watching the beauty of nature.
Sa sobrang inip ko'y nakatulog na ako.
Pagkagising ko nalang ay maliwanag na. Napansin ko na parang hindi parin kami nakakaalis sa gubat. Matatayog parin ang mga puno at ang dinadaanan namin ay lubak lubak.
"Manong!!!!!!!" ani ko.
"Saan po ba talaga tayo pupunta?????!!!!" dugtong ko pa na may halong gigil.
Napabuntong hininga nalang ako. Nakita ko sa rear mirror na nakangisi lang si manong. Tila ba wala lang sa kanya ang byahe. Tinignan ko ang relo ko at 12 pm na. Gutom nako.
"Manong guto---" natigilan ako nang bigla na lang huminto ang sasakyan at parang nawalan na ng gas si manong. Napayuko ako at nahulog yung throw pillow na dala ko.
Nagulat ako sa nakita ko. Pagtingala ko ay wala na si manong. Nabalot ako ng takot. Parang may kung anong kuryente ang gumapang pataas sa katawan ko. Lumingon lingon ako.
Nasan kami?
"Manong!!!!" Tawag ko kay manong pero kahit isang ungol nya ay wala akong narinig.
Bumaba ako ng kotse. May binalot ako ng kilabot nang napagtanto ko na nasa gitna parin ako ng gubat. Naglakad lakad ako pataas dahil parang pabundok itong gubat nato.
"XIN!!!!!!!! GUMISING KA NAAAAA!!!" pasigaw na sabi ni Jen. Nagising naman ako. OK.
Natauhan nalang ako nang malamang kong nasa school pala ako at lunch na.
"Xin ano baaa, tulala ka na naman!!! ani Jen.
Tsaka ko nalang na realize na may exam nga pala. Damn it Shit.
Napatayo ako at kinuha ang bag ko at tumakbo papuntang library. Iniwan ko na si Jen. Napakaingay kasi nun. Pero alam ko naman na sinundan nya ko.
Pagdating ko library nakita ko agad sina Rae, Step, JJ at Art na nagrereview. Tumabi ako sa kanila.
"Buti pa kayo nakapag review na." ani ko.
"Hay nako. Bat ka kasi di nagpupuyat. Alam mo namang exam day bukas." ani Rae.
"Btw guys, may nakita ako kanina dun sa likod." ani JJ.
Kinuha nya yung papel sa bulsa nya. Napansin ko na parang parang mapa ng school to. At napatingin ako sa pinaka left side ng mapa kung saan malapit dito sa library.
Parang may something.
"Is that a map?" ani Rae.
"Obvious naman diba." ani Art habang nakangisi. Dahilan naman ng pag irap ni Rae.
Alam kong may pagtingin si Rae kay Art. di naman maipagkaila na gwapo si Art. Kahit ako ay nagkagusto ko Art. Pero ayaw kong sabihin yon kasi alam kong masasaktan si Rae.
"Nakatulala ka na naman." ani Jen.
"Tumahimik ka nga." ani ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Jen. Aaminin Kong kami ni Jen ang close sa aming COF.
"Ano guys, ano gagawin natin dito?" ani JJ.
"Hay nako, pagtuunan muna natin ng pansin yung exam natin bukas." ani ko na sinangayunan naman ng lahat.
BINABASA MO ANG
Dread University
غموض / إثارةA place where darkness weaves through every corner, where beauty hides beneath blood and chaos. Entering feels like walking toward the edge, where every step could be your last. Secrets linger in the air, waiting for the brave to uncover them-if the...