Xin's Point of View
Inalalayan namin si Art pauwi ng dorm. Buti nalang nakaalis kami sa mga lalaking 'yon. Shit. Si JJ naman ay tahimik na naglalakad.
"Bes. Ano bang nangyari talaga sa inyo?" tanong ko kay Jen. Nakita ko ang pangingilid ng mga luha nya. Humihikbi din sya.
Bakit ba? Parang traumatized sila sa nangyari? Shit. Bukas na nga pala ang simula ng Hell Month. Oh no.
Sumulyap ako ng kaunti sa may oval. Napakadami parin talagang students don. Ano ba kasing meron? Malapit lang naman ang oval sa dorm namin at pinauna ko na sila sa dorm para makapagpahinga sila.
Lumapit ako kung saan nagkukumpulan yung mga students.
"Anong nangyari sa kanila?"
"Close your eyes babe."
"Kawawa naman sila."
Ilan lamang sa mga narinig ko. Tinignan ko yung tinutukoy nila. Shit. Apat na lalaking putol yung dalawang kamay at kitang kita ang pagsirit ng dugo dito. Lahat sila ay nakatali paikot at magkadikit ang kanilang mga likod.
Napatakip ako ng bibig at ilong nang malanghap ang amoy nito. Nakita ko yung dibdib nung isa sa kanilang apat na may baraha.
4 of diamonds. What did that mean? It's so mind blowing. Fuck. Napansin ko ding ang paa nila ay Bali Bali. At ang kanilang dila ay lahat nakalabas at nakataak sa mga ito ang diamond.
So Diamond Maskers ang may gawa nito? Bakit? Anong kasalanan ng apat nato sa mga diamonds?
Tumakbo ako papunta sa dorm at kinuha yung cellphone. Di ko ito pinahalata kina Jen at nagdaredaretso ako palabas.
Narinig ko silang pinipigilan ako pero di ko sila pinansin. Di ko magagawang talikuran ang pinangako ko sa kanila. Pinangakong hindi dapat kailanman mapako.
Dumaretso ako sa SSG office at nadatnan ko ang nakabibinging katahimikan nang makitang walang tao roon. Nasan ka Cha?
Pumunta na ako sa dorm nya pero wala sya doon. Lumingon-lingon ako sa paligid at ramdam kong may nagmamasid sakin.
Cha. Where are you?
Marami akong tanong na di masagot sagot at alam kong tanging ikaw lamang ang makasasagot noon.
Tumakbo ako papunta sa garden. Tama nga ang hinala ko. Patibong ito. Shit.
Nasa harapan ko ngayon ang mga naka itim na mga lalaki na nakalagay ay diamond sa kanilang mga kamay. Shit.
Nakatutok sa akin lahat ng kanilang mga baril. Wala sila. Isa lang ako. Di ako bihasa sa pakikipaglaban. Pero. Kung mamamatay man ako ngayon. Mamamatay akong lumalaban. Shit.
"Ahh!!" Nagulat ako nang may biglang humigit sakin. Binuhat ako nito at tinakbo. Shit. Napapikit ako dahil sa gulat nang may biglang magpaputok ng baril.
Shit. Naramdaman kong huminto kami at minulat ko na yung mga mata ko at ibinaba na nya ako.
"Sino ka?" tanong ko dito. Cover na cover yung buong mukha nya. Pero yung height nya ay familiar. Pero halos lahat naman ng kilala kong lalaki ay kasing tangkad nya maliban nalang si JJ na pandak. 5'2 lang ata yun eh.
Aktong tatanggal kona yung takip nya sa mukha pero nakita kong nandyan na yung mga lalaking humahabol samin. Shit.
Binuhat nya akong muli at itinakbo. Is he my Savior? Napatakip ako ng tainga at mata nang sunod sunod ang putok ng mga baril. Pero para syang dashing man 'cause he can avoid the bullets from those guns.
He dropped me off in front of our dorm. Ako naman tong tulala ay di agad ako nakapasok. Shit. Nandya na sila. Agad akong pumasok sa loob ng dorm at narinig ang sunod sunod na mga katok.
BINABASA MO ANG
Dread University
Mystery / ThrillerA place where darkness weaves through every corner, where beauty hides beneath blood and chaos. Entering feels like walking toward the edge, where every step could be your last. Secrets linger in the air, waiting for the brave to uncover them-if the...