KURT
"Nasaan na daw siya?" Tanong ni kambal sakin
Nandito kami ngayon sa labas ng nirentahan naming event hall para sa Bachelor's Party, tutal di pa naman nagsisimula kaya last minute polishing muna kami dun sa gagawin naming program
"Ikaw may contact dun bakit sakin mo tatanungin?" Balik-tanong ko sa kambal ko
Nagkamot siya ng ulo "Ang sabi sakin on the way na"
"Tama ba yung binigay mong address?" Paninigurado ko
"Oo naman, event hall Camp John Hay" sagot naman niya
"Eh yung damit saka accessories, naibigay mo din?" Dagdag kong usisa
"Oo nga, lahat! naibigay ko na lahat pero di parin sapat" at biglang nagdrama ang loko
"Gago, seryoso" babatukan ko na sana eh
"Oo bro, nai-sure ko na lahat, ako pa nga nagdala sa kanya sa salon para parehong-pareho sila ng hairstyle" giit naman niya
"Kung di siya darating, plan B agad" sabi ko habang lumilinga-linga, mahirap na kung may makarinig ng plano namin
"Oo, ako nang bahala" sagot naman niya
"Okay" Tinapik ko siya sa balikat bago ako pumasok sa hall "After 5 minutes pasok kana din" bilin ko
*Ringtone*
"Tol, nag-text siya. Hindi daw siya makakapunta, na-resched daw ng mas maaga yung show niya sa bar" masama niyang balita
"Edi plan B!" Sabi ko, baka di din kasi papatok yang plan A
*Pop music starts*
Sinimulan na namin ang party, we have to make the best out of it since ito yung kauna-unahang pagkakataon na mabubully namin si Earl *laughing maniacally*
Saka unguaranteed na din kasi kung makakabonding pa ba namin silang dalawa ni Yumi katulad ng dati, pero pinasiguro naman nila na hindi madidisband yung gang dahil lang kinasal sila
Ayoko sanang maging emotional eh, dapat chill lang to saka puro happy happy lang kaso di ko na napigilang maluha nang magbigay ako ng speech
"King, mas bata ka samin ni kambal pero inunahan mo pa kaming ikasal" simula ko sa sinulat ko, nag-ready naman ako ng sasabihin
"Bagal niyo eh" panga-asar niya kaya nagtawanan ang madla
"Hehe masyado pang maaga para magpatali kami" rebutt ni kambal
*Laughters*
"King, hindi, Earl, hindi man tayo magkakadugo pero tinuring mo kaming mga kapatid. Hindi namin makakalimutan lahat ng nagawa mo para samin, sa pagliligtas mo sa buhay namin ni kambal noong 8th grade tayo doon sa nasusunog na laboratory" ibinulsa ko nalang yung hawak kong papel at nagsimulang magsalaysay
Shit! The tears are coming!
"Kaya asahan mo na kapag ikaw naman ang mangailangan ng tulong, handa naming isakripisyo ang aming buhay para sayo" nagkatanguhan kami ni kambal
"Pwede mo ding gamitin tong si Kurt na meatshield kung hahabolin ka ulit ni Yumi ng kunai" singit na biro ni Ian
*Laughters*
Umatras tuloy mga luha ko, halos pareho kami sa lahat ng bagay ni kambal, mukha nga magkahubog eh. Sa dalawang bagay lang ata kami magkaiba, siya pasmado ang bunganga, ako naman mababaw ang luha
"Anyways, King! Earl Brianne Lim, best wishes sayong married life!" Pagtatapos ko
"Let's the party begin! Pasok!!" Masiglang anunsyo ni kambal at nagsipasok na mga hinire naming dancers
![](https://img.wattpad.com/cover/319233406-288-k393843.jpg)
YOU ARE READING
She's Kinda Hot (The Remake)
Novela JuvenilThe Remake, She's Kinda Hot is the first book of the Blackcards gang story and is about introducing our beloved characters with all their shenanigans. The BLACKCARDS gang; King - Earl Brianne Lim, Queen - Megumi Katsuragi, Ace - John Jacob Valdez R...