Chapter 1: The Last Peace

96 2 1
                                    

January 12, 2017

10:27AM

College of Communication building, Polytechnic University of the Philippines

Manila, Philippines

 

Nakahalumbaba na naman ako habang nakatitig sa labas ng classroom. Ito ang usual routine ko kapag nagdidiscussion lang ang history professor namin. Hindi naman sa tamad akong estudyante, madalas lang talagang wala ako sa mood makinig sa iba't ibang historical events na nangyari sa bansa. Ano pa bang inaasahan nyo sa isang taong katulad ko? -_-

"Mr. Redwood..." biglang sabi ng professor ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo, maari mo bang ibahagi sa amin ang mga nasa isipan mo?" dagdag niya. Kailan pa naging observant itong prof na ito? Madalas namang di niya ako napapansin. Usually ang makikita lang niyang mga estudyante ay yung madals sumagot sa mga recitation at matataas ang mga nakukuha sa mga quizzes.

"Sorry sir..."

"Well, Mr. Redwood, gusto lang sana kitang palalahanan na malapit na ang end of semester at nakikita ko sa aking records na masyadong mababa ang mga grades mo para maipasa kita." sabi niya habang nakatingin sa kanyang class record.

Lahat na halos ng tao sa classroom ay nakatingin sa akin. Yung iba ay nagbubulungan na. Ano pa nga bang aasahan niyo. Hindi naman ako ganun kasikat sa classroom namin. Hindi naman sa loner ako pero konti lang talaga ang mga nagiging kaibigan ko eversince nag-umpisa ako ng college.

"Well then... let's continue... and Mr. Redwood, please listen this time."

"Yes sir... sorry..."

"Thinking of someone?" tanong ng katabi kong si Ian Villanueva. Siya ay isa sa mga konting kaibigan na sinasabi ko sa inyo. First time pa lang naming magkakilala noong first year kami ay naging close friends agad. Dahil siguro may ilang similarities kami.

"Wala... wala lang ako sa mood makinig sa lesson." bulong ko sa kanya.

"Really..." pabirong sabi niya.

After that nagpatuloy na ang prof ko sa kanyang lesson tungkol sa naganap na pananakop ng mga hapon sa bansa. Isang oras pa bago matapos ito. Kailangan ko tuloy pigilan ang sarili kong makatulog dahil paniguradong babantayan na ako ng matandang toh. -_-

=======================

11:33 AM

Since last subject na namin yun noong araw na iyon, didiretso na sana akong umuwi nang bigla akong tawagin ni Clarize Flores. Siya lang naman ang kababata ni Ian. Also... siya lang din naman ang crush ko sa mga panahong ito. Oo... inaamin kong marami na akong nagustuhang babae pero siya pa lang yung naiiba sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing makakasama ko siya lagi akong napapatitig sa mga mata niya. Kayo na ang bahalang humusga kung pag-ibig nga iyon o hindi..,

"Lance! Samahan mo naman kami ni Ian sa mall. May kailangan lang kasi akong bilhin."

"Sige na pre... ayaw ko kasing ma-out of place na naman kasi paniguradong sa women's department store lang naman pupunta ang mokong na ito." sabi ni Ian.

"Ah... ehh..." pautal kong sinabi. Heto na naman ako... nauutal sa harap ng babae na ito.

"Sige na... please..."

Argh... ayan na ang puppy eyes mode. "Ok..." na lang ang nasabi ko. Sino ba naman kasing makakatanggi sa puppy eyes ng babae na ito. "Pero, kailangan ninyo akong ihatid sa amin."

The Last HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon