Chapter 3: Road of the Dead (part II of II)

48 1 1
                                    

Lahat ng bagay sa aming paligid ay nagugunaw na. Ang mga bagay na inabot ng ilang taon bago naayos ay nasisira na sa loob lamang ng ilang sandali.

"Holy s***!" sigaw ni Ian sabay kabig niya sa kotse upang iwasan ang isang nasusunog na kotse sa gitna ng daan pababa ng Quezon Blvd. Bridge.

Sa di kalayuan ay maririnig ang mga malakas na pagsabog na naganap.

"We'll go now to one of our news helicopters now flying above Metro Manila. Jake, what's the status of the area you are in right now?" sabi ng reporter sa studio.

"We are currently flying above Taft Avenue near the United Nations Avenue Station of LRT line 1 and trying to assess the situation on the street. As far as we could tell is that, the streets through out the city of Manila is in complete chaos as the violent attacks continue. Meanwhile, the LRT line 1 and 2 had reportedly shut down their operations a few minutes ago. All their trains had stopped in their tracks after the LRTA brought down the code red order, which states the Temporary suspension of all train services due to technical problems." sabi ng reporter na ang pangalan ay Jake.

"Tama lang yun... the last thing we need is a freaking runaway train." pabirong sinabi ko.

Isang malakas na namang pagsabog ang yumanig sa gusali di kalayuan mula sa amin. Tumingin ako sa pinagmulan ng pagsabog at nakita kong isang helicopter ang bumagsak sa front entrance ng Manila Central Post Office. Perfect, it's rainning choppers now...

"Son of a!" sigaw ni Ian sabay kabig niya sa kotse. Pagtingin ko sa harapan ay nakita ko yung bus na nasa unahan namin ay unti-unti nang tumatagilid. Tinapakan ni Ian ng madiin ang gas pedal at humarurot na ang kotse namin. Ilang segundo lang ang lumipas matapos naming malampasan ang bus ay tuluyan na itong tumagilid sa gitna ng kalsada.

"Muntik na yun ah..." sabi ni Clarize.

Tumingin ako sa likod at nakita kong mejo pinagpapawisan na si Clarize kahit binuksan ko na kanina ang aircon ng kotse.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Tumingin si Clarize sa akin. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot na nararamdaman niya. "Ayos lang ako..." sabi niya sa akin.

"Don't worry... we'll get out of this."

To be honest, hindi pa din ako kumbinsidong makakaalis kami ng Metro Manila ng ganun kadali. Look at what's happening. People attacking people for no reasons. Kaliwa't kanang aksidente. Mga helicopters na bumabagsak mula sa himpapawid. To sum it all up, complete chaos.

----------

Matapos ang ilang minuto ay inumpisahan na naming baybayin ang Taft Ave. Ilang sasakyan ang nakatigil sa gitna ng kalsada na halos masarhan na ang buong daan.

"This is getting harder and harder..." sabi ni Ian habang nililiko niya ang kotse para iwasan ang mga sasakyang nakaharang sa daan.

Tama nga naman siya... habang lumiliit ang kalsadang tinatahak namin ay mas lalong dumarami ang mga sasakyang nakatigil sa gitna ng mga ito. It's not that easy to drive around them especially kung halos bumper to bumper na ang lapit ng mga ito sa isa't isa.

Sa di kalayuan ay naririnig ko ang hugong ng makina ng isang helicopter. Hindi ko na kailangan hulaan pa kung military or news chopper yun dahil nung sinabi ng reporter kanina ang kanilang posisyon ay alam ko na agad na sila pa din yun. At kinumpirma pa ito ng sinabi ulit ng reporter kung nasaan sila.

"We're still flying above Taft Ave. near the U.N. Ave. station of LRT line 1. We could see numerous abandoned vehicles are beginning to clog the roads leading to Taft Ave. Wait a second... what is that?" the reporter said.

The Last HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon