10:55 AM
Location: Somewhere along Quezon Blvd.
Hindi ko alam kung paano pero nagawa ni Ian na mailayo kami sa school sa kabila ng kaguluhan sa kalye. Maraming tao ang nagtatakbuhan sa mismong kalsada. May ilang sasakyan naman ang nagkabanggaan na dahil sa kaguluhan. Makikita mo din ang ilan sa mga bangkay na either nasagasaan or kinain ng buhay sa gitna ng kalsada.
Sa kasalukuyan ay tinatahak na namin ang kahabaan ng Quezon Blvd. Kagay ng ilan pa naming nadaanan na kalsada ay puno din ng mga nagkalat na mga sasakyan at mga bangkay ang lansangan.
"Lance! Anong plano?!" biglang sigaw ni Ian habang niliko niya ang kotse para iwasan ang isang nasusunog na kotse sa gitna ng daan.
Hindi kasi kami kaagad nakapag-usap after naming makaalis ng school dahil nung makita namin ang nangyayari ay hindi kami kaagad makapaniwalang ilang oras lang ang nakakalipas ay napakatahimik ng araw. Normal ang lahat. Hindi namin inaakalang haharapin namin ang ganitong klaseng bangungot.
"LANCE!" biglang sigaw ni Ian nang hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kanya at nakita kong mejo namumutla na ang kanyang mukha. Halatang sobrang higpit ang hawak niya sa manibela dahil halos mamuti na ang kanyang mga kamay.
Well, hindi ko siya masisisi. Sino ba naman kasi ang magiging relax sa ganitong sitwasyon kahit na nasa loob ka na ng sasakyan. Hindi lang naman ang mga nagwawalang tao ang kailangan naming problemahin. Pati na ang mga nagkalat na sasakyang naabanduna o nadisgrasya sa gitna ng kalye. Pinoproblema din namin ang mga taong sa gitna na ng kalsada tumatakbo.
Habang nakatingin ako kay Ian ay bigla kong naisip ang mga sinabing tips sa ilang zombie movies na napanuod ko. In case of a zombie apocalypse, dapat daw ay kaagad na lumayo sa mga lugar na maraming tao.
"Not sure..." sabi ko, "Pero sa ganitong sitwasyon ay dapat tayong makalabas ng populated area."
Logical naman talaga yung idea na iyon. Kapag mas maunti ang ibang tao, mas maunti ang mga magpapanick or magiging infected.
"Cavite..." pabulong na sinabi ni Clarize.
Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin sa akin si Clarize.
"Mas konti lang ang tao sa Cavite kaysa sa Metro Manila..." sabi ni Clarize, "Lalo na sa inyo Lance..."
Tama siya... there's barely a hundred thousand people there.
Tumingin ako kay Ian, "Tama si Clarize... mas malaki ang chance of survival natin doon."
Tumango na lamang siya.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa isa mga gusali sa kabilang bahagi ng kalsada. Gumuho ang isang parte ng gusali at nadaganan ng debri ang ilang sasakyan at mga taong dumadaan sa harap nito.
"Ian! Watch out!" biglang sigaw ni Clarize habang tinuturo ang isang jeep sa harapan namin na bigla na lamang nagpaliko-liko.
Iniwas ni Ian ang kotse habang ang jeep ay nag-umpisa nang dumiretso ito papunta sa tanyag na Plaza Miranda sa harapan ng Simbahan ng Quiapo. Sinundan namin ni Clarize ng tingin ang jeep habang binalik ni Ian ang kanyang pokus sa pagmamaneho. Binangga nito ang harang na naghihiwalay sa sidewalk at sa kalsada, pero hindi ito tumigil. Ang ilan sa mga taong nagtatakbuhan sa sidewalk at plaza ay sinubukang iwasan ang jeep, ngunit may ilang tao pa din ang nasagsaan. Nagdirediretso ito ng takbo hanggang sa nabangga nito ang isang stand ng street food. Ilang segundo matapos nitong bumangga ay biglang sumabog ang isang bahagi ng stand na sinundan naman ng pagsabog ng jeep. Ang ilang taong malapit sa jeep at stand ay tumilapon sa sobrang lakas ng pagsabog.
"It's like a warzone out here..." sabi ni Clarize habang tinitingnan pa rin niya ang nangyari.
"Nasaan na ba ang mga pulis?" sabi ko habang binubuksan ko ang radyo. Nilipat ko ng estasyon ang radyo nang magbukas ito. Ilang estasyon ng radyo ang hindi na nagbobroadcast at panay static nalang ang maririnig mo. Matapos ang paglipat ng ilang estasyon ay nahanap ko din ang isa sa mga natitirang nagbobroadcast.
"The authorities are still trying to control the situation throughout Metro Manila which seems to be getting worst with each passing moment." sabi ng reporter, "We've recieved reports that the military in now mobilizing to assist in handling the situation. There were also reports that the military are setting up barricades on all roads leading out of the metro."
Barricades? Masama ito. Ayon kasi sa mga napapanuod kong mga zombie movies, kapag nag tayo na ng mga barricades ang militar, ibig sabihin ay sinusubukan nilang icontain ang infection. Pero infection nga ba ang nangyayari ngayon?
"Kailangan na nating makaalis dito bago pa maisara ng militar ang CavitEX (short for Cavite Expressway)." sabi ko.
Binabaybay na namin ang Quezon Bridge, ang isa sa mga tulay na nagdudugtong sa Quiapo at Lawton. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang usok na nagmumula sa iba pang tulay na malapit sa amin. May mga makakapal na usok na nagmumula din sa ilang gusaling nasa gilid lamang ng Pasig River.
Hindi pa din ako makapaniwalang nangyayari ang ganitong bagay. I mean, this is like a freaking zombie apocalypse mula sa isang movie.
=================
A/N
Don't kill me please :(
I had to end it like that cause I just wanted to update and well... I barely had time to write everything since a lot of stuff is happening in my life right now that I can't find time to write. As you can see I was forced to split this (supposed to be awesome) chapter because of the circumstances.
I would update the story as soon as possible... Also sorry for grammar and spelling error, this chapter is not yet edited.
Tell me what you think about the story so far, i would appreciate any comment you give.
-Steven
BINABASA MO ANG
The Last Hour
HorrorSi Lance Redwood ay isang estudyante na namumuhay ng parang isang normal na teenager lang. Ngunit nagbago ang lahat ng magkaroon ng isang klaseng sakit na mabilis na kumalat sa bansa at marahil sa buong mundo. Makaligtas pa kaya siya?