Prologue

197 1 0
                                    

PROLOGUE

"Nakakatawang isipin na dahil lang sa isang kagat ay mamatay na ako. Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan ko, sa isang kagat ako mamatay. Parang mas gusto ko pa yung mga maaring ikinamatay ko noong mga nakaraang araw. Maaring nabaril sa ulo, nahulog sa bangin, nabangga ng sasakyan. Pero sa kagat ako nakatakdang mamatay..." napabuntong hininga na lang ako.

Ako nga pala si Lance Redwood. 19 years old. Well, di naman importante ang edad ko kasi mamatay na din naman ako.

Nagatataka na siguro kayo kung anong kagat ang pinagsasabi ko... FYI HINDI ITO RABBIES... never mind, basta ibang klaseng sakit ang kumalat sa buong bansa, or maybe buong mundo na, di ko na kasi alam ang iba pang nangyayari sa labas ng bansa simula noong mag-off air lahat ng TV stations and radio frequency, miski nga emergency signals nawala na. Mas lumala pa ang information black out nang tuluyan nang mawalan ng kuryente ang buong bansa.

Oh well... mabuti pa ikwento ko na lang sa inyo ang mga nangyari na humantong dito...

 A/N: This story po ay ongoing... Hindi po ako makakapagupdate ng madalas pero asahan nyo po na pag nag-update ako ay masasatisfy ang needs nyo for more of this story :)

The Last HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon