Iyon ay ang araw na pinakahihintay ni Maria – ang Maria Montregal Gallery Art Exhibit. Ilang taon rin niyang pinangarap 'yon. Iyon naman talaga ang pinapangarap ng bawat isang katulad niyang nasa dugo na ang paggawa ng mga likhang sining. Ang gabing iyon ang saksi ng kanyang tagumpay at bukod-tanging pagmamahal sa larangang napili.
Sa kanyang pagliliwaliw sa lugar ay biglang napadako ang kanyang mga mata sa center masterpiece at pinaka-highlight ng exhibit. Nandoon sa gitna ang isang sculpture ng isang ulo ng lalaki. Agad na sumilay ang isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Isang buwan pa lang ang nakalilipas ay magkasama pa sila nito. Sa loob ng apartment nito kasama ang walanghiya niyang matalik na kaibigan na nakikipaghalikan rito.
Napatitig ulit siya sa mga nanlilisik na mga mata ng kanyang obra at hindi na napigil ang isang nakakabaliw na ngiti. Napakadali lang namang patayin ni Markus: tatlong saksak sa likod at isa sa may puso, mga alambre, mga metal na gamit sa pag-iskultura, spray paint, preserbatiba... at kakaunting galit.

BINABASA MO ANG
Playlist ni Kamatayan
TerrorHi! Ako nga pala si Kamatayan. Oo, ‘yong kinakatakutan ninyong lahat dahil dala-dala kong karet. Pero huwag kayong maniwala sa mga walang kwentang kwentong ‘yon. Hindi naman talaga karet ang dala ko kung hindi iphone at headset. Ang sosyal ko no? Aw...