LIPS ARE MOVING (Meghan Trainor)

16 0 0
                                    

Napakislot siya. Nararamdaman pa niya ang init na dulot ng mga haplos ni Miller – ang lalaking tangi niyang minahal. Sa kanyang pagkakahiga ay bigla niyang nahawakan ang kanyang mga labi. Nalalasahan pa niya ang mga matatamis na halik nito. Napapikit siya.

Ilang gabi naring nangyayari ito. Magigising siya mula sa isang panaginip kung saan makikita niya si Miller na ikinakasal sa kanyang kapatid. Pagpapawisan siya ng malagkit. Mabilis ang kanyang paghinga. Hahawakan niya ang kanyang sentido at pilit na aalisin ang isipang iyon. Makaraan ang ilang sandali ay kalmanteng mahihiga siya ulit. Hihilahin niya hanggang sa kanyang dibdib ang kumot sabay tagilid. Dahan-dahang maglalakbay ang kanyang mga kamay sa mga nanlalamig na braso ng lalaking katabi niya at ipagpapatuloy ang naunsuming pagtulog.

Mag-iisang buwan narin siyang nakatira sa tagong apartment na iyon. Hindi lumalabas. Natatakot na baka sa kanyang pagbalik, wala na si Miller. Si Miller na isa ng malamig na bangkay.

Playlist ni KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon