Chapter 1
Kinuha ko ang sigarilyong nabili ko kanina sa tindahan, nilagay ko ito sa bibig ko saka tinapat ang lighter sa dulo nito saka ito sinindi. Ramdam ko ang paglalaro ng usok sa bibig ko.
“Asan na daw sila?” tanong ko sa ka-gang ko na si GD. Ang pinaka matalik 'kong kaibigan sa gang. Hindi kami yung gang na basta basta nakikipagbasag ulo, may dahilan kung bakit namin 'to ginagawa. Associated kami sa mga frat at sorority, mas malakas ang connection namin sa frat kesa sa mga iba pang gang.
Nagsindi din siya ng sigarilyo at binuga ang usok sa hangin. “Yung mga frat nasa labas naghihintay na, yung mga ka-gang natin wala pa.” Magkakaroon ng gang war ngayon, dahil hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap nung kabilang gang.
Hindi kasi nagkaunawaan about sa pagdrudrug deal namin sa ibang bansa, ayaw nila na i-drug deal namin ang mga binebenta nilang drugs, kaya naman nagdeclare ang kanilang leader ng gang war na magaganap ngayon.
“Tawagin mo na sila.” Muli akong bumuga ng usok sa hangin. Matagal ko ng ginagawa ang paninigarilyo, kumabaga normal nalang ito samin. Kahit ang pagmamarijuana, nagawa ko na din. Hindi simple ang buhay namin dito, dahil nasa underground society kami. Hindi basta-basta ang kalakaran dito. Sa bawat patakaran nila, kapag may sinuway ka dito. Wala pang isang segundo, patay ka na.
Kinuha naman niya ang cellphone niya sa bulsa niya at nagsimulang tawagin ang mga ka-gang ko. “Sol, Dee at Gri! Nasaan na kayo?!” Umiling nalang ako saka tinapon ang sigarilyo ko. Lumapit sakin ang isang frat member, “Yung kabilang gang, gusto ng magsimula.”
“Hindi pa kami kumpleto.” tumango siya at iniwan ako. “Nandyan na daw sila. Ayaw papasukin ng bouncer eh.” Sa ilalim kami ng bar, madalas nag-gagang war o dikaya naman nakatambay, exclusive lang ito para sa mga gang members at frat, may password ang pinto nito, at napapaligiran ito ng CCTV cameras na nakikita naman ng pinuno ng Underground Society.
At isa-isa ng nagsidatingan ang mga ka-gang ko, sina Sol, Dee at Gri. Magkapatid sina Sol at Dee samantalang pinakabata naman samin si Gri. Sumenyas na ako sa mga frat men na handa na kami, tinawag na nila ang kabilang gang.
Pumasok na ang kabilang gang, lima sila at lima din kami. “No guns! No knives! No bombs!” sigaw ng frat leader at tinaas naming lahat ang dalawa naming kamay. “Sinumang gagamit ng mga nabanggit, ay itatakwil ng Underground Society at papatayin.” malakas na sabi niya, gumagapang na sa sistema ko ang kaba at excitement. Dumadaloy na sa dugo ko ang spirit ng pakikipaglaban.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at pinutok ang baril, hudyat na magsisimula na ang gang war. At sumugod na kami. Una kong pinuntirya ang leader ng gang, sinuntok ko ang panga niya. Itinaas ko ang paa ko at sinipa siya sa tiyan, napaubo siya, kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon, hinawakan ko ang leeg niya at sinuntok ko ang mata niya, nagsimulang dumugo ang mata niya, “AGHHHH!!” iyak niya, walang tumigil sa pakikipaglaban.
Iniwan ko siya, at pinunasan ang pawis ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para masuntok ako, kahit kailan walang nakakalapat na kamao sa katawan ko.
Lumapit sakin ang mga hiningal na kagang ko, “Walang hiya ka Jiro! Halimaw ka talaga!” natatawang sabi ni Sol. Tinignan ko ang nakaaway naming gang, nakabulagta sila at punong puno ng dugo. Umiling si GD, “Paano niyan? Magpapalinis nanaman tayo.”
“Hayaan mo na. Mas maganda kung may bakas ng dugo, matutuyo din yan.” sabi ko at tumayo. “Tara celebrate tayo!” sabi naman ni Gri.
Nagkatinginan silang apat, “One way bar!” umiling nalang ako. “Magpapahinga na ako.” sabi ko sakanila. “Lul! Tara na inom tayo!” yaya sakin ni Dee.
“Kayo nalang, may pupuntahan pa ako.” Nagsitanguhan sila at nagsakayan sa kanya kanya nilang moto r at nilisan ang Underground Area, sa kabilang bar pa ang One Way.
Kinuha ko ang susi ko at sinindihan ang motor, at umalis. Mabigat nanaman ang pakiramdam ko sa tuwing pumupunta ako dito.
Itinigil ko ang motor ko saka bumaba, kitang kita ko ang liwanag ng buwan na tumatama sa bawat lapidang nadadaanan ko. Tumigil ako ng makita ko na ang apilido na 'Jung' na nakaukit sa lapida. Umupo ako at hinawakan ang lapida.
“Ma... Kumusta ka na diyan? Masaya ba diyan?” ngumiti ako ng mapait, Mira Jung, ito ang pangalan ng mama ko na nakaukit sa lapidang hinahawakan ko ngayon.
Nine years old ako nang namatay siya, at nasaksihan ko pa kung paano siya pinatay. Punong puno ng galit ang puso ko. Wala na akong pakielam. Kaya nga ayoko ng mabuhay pa eh, hindi sapat ang nine years para makasama ko siya. Gusto ko siyang makasama yung hindi na ako naghihirap.
Tumingin ako sa langit. Bakit binigyan ako ng buhay na wala namang saya? Kelan ba ako huling ngumiti? Hindi ko na matandaan, dahil matagal ko ng isinara ang puso ko sa kasiyahan. Gusto ko ng umalis sa mundong 'to. Gusto kong mabuhay kasama pamilya ko.
Pero sadyang madaya nga nanaman ang buhay, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.

BINABASA MO ANG
His 100 Days
ActionSa madugong mundo ni Jiro, hindi basta basta ang buhay nito. Nung pumasok si Jiro dito, matagal na niyang sinarado ang puso niya mula sa kasiyahan. Ayaw na niyang mabuhay sa mundong ito. Sa pakikipaglaban niya kasama ang kanyang mga kaibigan, isang...