Chapter 10 (6th day)
--
Ailee's POV
Gumising ako ng maaga dahil may pasok nanaman ako at maghahalf nanaman ako dahil may trabaho pa ako sa coffee shop.
Pagkarating ko sa school, pumunta na agad ako sa first subject ko, kailangan kong habulin ang mga lessons. Gusto kong grumaduate! Kahit na mahirap habulin, kailangan.
"Good morning." bati ko sa mga blockmates ko.
Umupo na ako, pero habang hinihintay ko ang prof namin. Syempre mawawala ba ang pagdadaydream?
'Si Top nanaman ba idadaydream mo?' sabi ng mapanukso kong isip.
>O< Hindi naman masamang isipin ung tao diba?! Atsaka.. gusto ko palang naman siya!! Ewan ko ba, masyado na bang napapaaga landi ko? XD
"Good morning class." bati ng prof namin.
Okay, masyado ngang maaga. Kaya dapat itigil muna.
--
Jiro's POV
Nandito kami sa hideout as usual, at lumabas na din ng ospital si GD. Tuwang tuwa na naman siya na parang nakalabas ng kulungan pero bago kami lumabas ng ospital kinindatan naman nya ang mga nurse. -__________-
"Ung mga nirecruit naten?"
"Nasa MBLAQ planet, dun ko muna sila pinagtraining, tas pag may naginvite. Tatawagin ko nalang." sagot ni Sol.
Akala ko pa naman din kami ang magtratrain sakanila. Pero mahirap kasi dahil masyado silang madami at nakakapagod yon. Kahit naman gusto kong mamatay agad, inaalagaan ko padin ang sarili ko at ayaw ko masyadong mapagod lalo na may sakit ako.
Teka.. ako ba talaga to?! Wow! Nagkaconcern nako sa sarili ko ha. Anyare sakin?
"Hay! Namiss ko to! ^____^" sabi ni GD.
"Utot mo GD! Sarap na sarap kapalang kahapon eh!" tukso ni Dee.
"Sinabing nagpamasahe lang ako ehhhh!"
"Talaga? Pag ba nagpapamasahe kailangan malakas ung ungol?" tanong ni Sol.
"Oy! Awat na! Mamaya sumabog pa si GD sa sobrang pula." awat ko sakanila.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
*tok* *tok*
Natahimik kami dahil may kumatok. Madalang lang naman kasi ang may kakatok sa pintuan ng hideout. Madalas kasi sinisipa nila to o kaya naman papasabugin. May code kasi ito.
Lumapit si Sol sa pintuan at sinilip kung sino iyon. Pagkasilip nya, tinype na nya ang code at binuksan ito.
Ahhhhh, yung palang nirecruit namin.. Sino nga ba kasi to. Si.. AHHH! Si Raven ba?
Nagbow siya kay Sol. "Nanghahamon po ng laban si Lohr." sabi nya kasabay ng pagsabog ng isang drum sa labas ng hide out.
Talagang tinimingan pa ang pagsabog?!
Lumabas kami agad ng hideout. Naman oh! Medyo bad timing si Lohr! Pero kahit hindi kami handa lalaban pa din kami.
"Oh? Asan mga tauhan mo?" tanong ni Gri.
Kadalasan kasi pag may laban, nasa likod nila ang tauhan nila o kaya naman nasa kotse. Pero walang dalang kotse si L at mukhang nagiisa lang siya.
Nag grin siya at sumindi ng sigarilyo. Tahimik lang kami at hinihintay namin siyang magsalita.

BINABASA MO ANG
His 100 Days
ActionSa madugong mundo ni Jiro, hindi basta basta ang buhay nito. Nung pumasok si Jiro dito, matagal na niyang sinarado ang puso niya mula sa kasiyahan. Ayaw na niyang mabuhay sa mundong ito. Sa pakikipaglaban niya kasama ang kanyang mga kaibigan, isang...