Chapter 6
2nd day of 100 days..
--
Ailee's POV
Gumising ako ng may ngiti sa aking labi,ngayon na kasi ung 'date' namin ni Top, kahit ako lng mismo nakakaalam na date un! Sabi niya kaya labas kami, edi ayan!
Timecheck: 7:30 am. Hmmmm, 9 daw kami magkita ni Top sa coffee shop eh. So mga 8 na ako maghahanda. Ano ba yan! Naeexcite ako! >//////<
Kumain muna ako ng almusal, mamaya habang nagdadate kami ni Top biglang magwala ung tiyan ko sa gutom! Nakakahiya un, that is a total turn off. -.-
Nanuod muna ako ng TV. Haaayyy! Ang tagal naman mag 9 excited na ako eh! Ang tagal ko na kayang hinahanap si Top, ewan ko ba parang ang laki ng utang na loob ko sakanya. Oo na crush ko na siya! >/////<
Sa kabila ng panunuod ko ng tv. Biglang lumitaw ang weather news.
"Good morning viewers, We will be reporting that a heavy rain will pour out at exactly 9 am. Flights and appointments are cancelled, better stay at your home for safety. Weather news reporting."
Ano ba naman yan! Saktong 9 am talagang babagsak ung ulan no?! Nakakabadtrip! Eh un ung oras ng usapan namin eh! Paano na nyan? Alangan naman hindi ako tumupad baka naghihintay sya sa coffee shop tapos hindi lang ako dadating. Wala akong pakielam! Pupunta parin ako!
--
Jiro's POV
Sinabi sakin ni GD na may ulan daw na babagsak mamayang 9 am. Nice timing oh, un ung oras na magkikita kami ni Ailee ehhh! Aish. Pupunta ba ako?!
"Paano nyan Jiro,pupunta ka pa? Malakas daw ung ulan na babagsak eh!" Sabi ni GD sakin habang iniinom nya ang kanyang kape.
"Aish. Hindi na siguro, baka hindi na din sya pumunta eh!" Sagot ko at kinuha ang tinapay sa kamay nya at kinain iyon.
"Jiro! Bakit?!! Bakit mo kinain?!! WAAAH!" Nagtatrantums nanaman tong lalaking to, feeling baby! -.-
"Psh." Un nalamang ang nasagot ko dahil patuloy padin ako sa pagkain ko ng tinapay.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kusina. Kukuha ulit ako ng tinapay. Ang sarap kasi eh. Bakla ba si GD? o PG lang talaga sya? Masarap kasi siya gumawa bg kahit anong pagkain di kagaya ko, sunog palagi. (__ ___")
Pabalik na ako sa sofa na inuupuan ko kanina ng may biglang nagkasa ng baril sa harapan ko at itinutok ito sakin.
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, nagulat ako ng makita ko siya. Ibang iba na sya ngayon.
Nakangiti siyang nakatingin sakin na para bang may masamang balak gawin sakin. Makikita mo sa mata nya na para siyang galit na galit.
"Long time no see, Jung..."
Tila nagtaas lahat ng balahibo ko sa pagkakasabi nya sa apilyedo ko. Un parin ang tawag nya sakin. Hindi ko alam ang balak nya pero alam kong hindi maganda ang pagbabalik nya.
"Its payback time now Jung."
Hindi ako makasagot sa mga salitang binibitawan nya. Bawat bitaw nya sa isang salita parang halos isumpa na nya ako.
Lumapit siya muli sakin. Hinahanap ng mata ko si GD. Nang may makita akong dugong dumadaloy mula sa sala. Nagulat ako ng makita kong duguan si GD. Punong puno ng dugo ang kanyang tshirt sa parteng malapit sa puso.
Hindi ko namamalayan na nagdilim na pala ang paningin ko.
"Huh! Kita mo si GD? Pinatay ko siya ng walang kahirap hirap." Sambit nya habang hinihipan ang kanyang baril.
BINABASA MO ANG
His 100 Days
ActionSa madugong mundo ni Jiro, hindi basta basta ang buhay nito. Nung pumasok si Jiro dito, matagal na niyang sinarado ang puso niya mula sa kasiyahan. Ayaw na niyang mabuhay sa mundong ito. Sa pakikipaglaban niya kasama ang kanyang mga kaibigan, isang...