Chapter 5- Continuation of Day 1

175 3 1
                                    

Chapter 5- Counted days, continuation of Day 1

Ailee's POV

"I'm... Jiro Top Jung."

Natulala ako ako sa narinig ko, hindi naman siya nagbibiro right? Ang taong kasama ni GD, ang gangster, ang nahimatay, ang tumulong sakin para tumayo ng ako'y napaluhod sa kakaiyak ay si..

TOP..

"T-top?" Nauutal kong tanong, bigla naman nagbago ang facial expression nya into nagulat.

"Ikaw ung batang umiiyak diba?" Tanong ko ulit, hinawakan ko ang dalawa nyang balikat.

"Ikaw ung nagbigay ng parang advice sakin nun eh.. Diba?" Tumingin siya sakin, ang mga mata nya. Parang puno puno ng pagkalungkot, na para bang may namimiss siya.


"Oo.." Mahina nyang sagot. Niyakap ko siya, grabe. Ilang taon ang lumipas, at ngayon sa wakas. Nakita ko na sya.

"*sob* Namiss kita.. Salamat sayo, nakapagmove on na ako. *sob*" Hayyy. Kung hindi siya dumating at nagbigay ng payo sakin, siguro ngayon walang sawa na ako umiiyak dahil sa pagkamatay ng parents ko.

Inaya ko siya pumasok sa coffee shop, pinupo ko siya at nagserve ako ng coffee para sa aming dalawa. Actually tapos na nyan work time ko.

"Kumusta ka na?" Tanong ko habang hinihigop ang kape.

"Eto.. 100 days nalang ako mabubuhay." Muntik ko ng mabuhos ang kapeng iniinom ko.

100 days?! After noon mamatay na sya? *iling* *iling* Grabe ang bata naman nya para mamatay. Hindi ba? Depende nalang kung may sakit sya. Pero malay naten baka nga may sakit sya.

His 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon