Sa pagpanaw ni manang ay pinalipat ulit ako ni daddy sa syudad. Pinapili niya ako kung saang condo ko daw gusto at hindi talaga maalis sa isip ko yung condo na tinutuluyan namin ni mommy.
Kay mommy na condo talaga yun, pero yung pangalan ko ang nakapangalan dito. Medyo nagulat si daddy sa sinabi ko pero walang nagawa kaya pinayagan ako, dahil sa totoo lang wala naman talaga siyang pake.
Sa pagpasok ko sa condo ay bigla akong naluha. Napapikit ako ng sumalubong ang bango ng condo, naalala ko ang amoy ni mommy at para akong niyakap ngayun.
Binitiwan ko ang dalang bag at naglakad sa loob.
Yung ibang gamit ay andito pa din. Completo pa, and...even mommy's shoes and sandals.
May mga alikabok pa ito pero sobrang bago pa din tingnan. Wala nang masyadong gamit ang kusina, pero yung sala ay completo pa...mula sa lahat na favorite cd's ni mommy and even the magazine na palagi kong tinitignan ay andito pa.
Napatingin ako sa kwarto at nilapitan ang pinto. Nanlamig ako ng hinawakan ang doorknob at pinihit ito habang ang luha ay patuloy na umaagos sa pisnge ko.
Sobrang lamig ang bumungad sa akin galing sa madilim na kwarto. Pagbukas ko ng ilaw ay bumungad sa akin yung mga stars galing sa itaas ng kisame nito. Tatlong stars ang andito, ito yung mga bituin na palaging tinitignan ko hanggang sa makatulog ako. Hinahaplos ni mommy nag buhok ko at tinuturo ang tatlong bituin bago siya mag kukwento.
Kinuha ko sa bag ang picture frame namin dalawa ni mommy at nilagay kung saan ito naka display...dito sa gilid ng kama, malapit sa alarmclock.
Binuksan ko ang closet at andito pa ang kaniyang mga damit. Pinasadahan ko ito gamit ang kamay at pinisil ang malalamig na tela.
Ramdam ko si mommy sa paligid, parang andito lang siya. Nagmamasid sa akin at imbes matakot i felt...Safe.
Gaya ng sinabi ko, pinapasok ako ni daddy sa isang magarbong skuwelahan. At habang nag-aaral ako ay kumuha ako ng part-time job...binibigyan naman ako ni daddy ng allowance at sobrang laki ng bigyan niya ngunit...gusto kong galing sa aking paghihirap, sa aking sariling sikap.
Tuwing nagpapadala ng pera si dad ay hindi ko ito ginagastos, dahil kung sakaling maymangyaring emergency may makukuha ako. At sariling pera gamit ang sikap ko ang aking ginamit upang may makain at mabuhay.
Nilalakad ko ang patungo sa school dahil para sa akin ay hindi naman malayo. At para na din maka tipid at sanay na akong maglakad pauwi.
Sa uwian ay deritso ako sa 7/11 na aking pinapasukan. Nung una hirap pumasok lalo na't minor pa daw ako kaya hindi ito pumayag. Nagmamakaawa ako at ilang araw ding pabalik balik, nagmamakaawang tatanggapin kahit tagalinis lang.
At doon pumayag! Aral sa umaga hanggang sa tanghali ng alas 3.
Medyo nahirapan pa ako sa pagpili ng strand nung ako ay natapus na sa grade 10 sa katapusan ay kinuha ko nalang ang stem.
I was excelling academically, consistently ranking first, until a new challenge emerged: our school's grand play, held the following Monday.
Students from other universitys will be visiting our school today.
Papalapit palang ako sa gate ng school namin ng sunod sunod na school bus at mga kotse ang pumasok sa malaking school gate namin.
Ibat'ibang kulay na school bus galing sa ibat ibang University.
Ang school namin ay St. MATTHEW University and our color is darkred and white.
Naunang pumasok ang tatlong school bus ng RyHawk University and the color is darkbrown and dirty white.
YOU ARE READING
Taking The Spotlight (Uncompleted)
RomanceFate brought them together, Destiny united them, yet their hearts diverged. If it's possible, they might have the happy ending they both deserve in their once-upon-a-time. They can bid each other farewell when the page turns to the next chapter.