Mitolohiya
-Ang mitolohiya ay isang agham o pag-aaral ng mga mito o myth at alamat.
-Ito rin ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
-Ang mitolohiya ay nagmula sa salitang latin na "mythos" at Greek na "muthos" na nangangahulugang kuwento.
-Ang muthos ay halaw sa "mu" na ang kahulugan ay paglikha ng tunog sa bibig.
Klasikal na Mitolohiya
-Sa klasikal na mitolohiya, ang representasyon ay marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkalikha ng mundo, tao, mga katangian ng iba pang mga nilalang.
-Ipinapaliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig.
-Tulad ng pagpaplit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayn ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kwentong-bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at Mindanao.
-May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilalarawan sa kanilang epikong "Alim" kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
Lectures in Filipino for G10 students
LosoweI made this for the upcoming G10 and also for my classmates now that Im in G10