May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw.
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
-Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o CEG sa taong 2016.
-Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
-Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
-Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, "Habang may sariling wika ang isang bayan, taglay nya ang kalayaan."
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng
-Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
-Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
-Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
-Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
-Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko
-Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
-Sa palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw. Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumiyak kung sino ang pinagmulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
-Sa iang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang gayo'y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno dito
-Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkakatiwalaang mamuno dito.
b. Samantala
-Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na taon. MAtalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto
BINABASA MO ANG
Lectures in Filipino for G10 students
RandomI made this for the upcoming G10 and also for my classmates now that Im in G10