Sanaysay

11.2K 37 3
                                    

Sanaysay

-Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita sa salitang "sanaysay" ang mga salitang "sanay" at "salaysay". Kung pagdurugtungin ang dalawa, pwedeng sabihin na ang "sanaysay" ay "salaysay" o masasabi ng isang "sanay" o eksperto sa isang paksa.


-Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makakatulong sa pagbuo ng sariling pananaw.


-Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:


Mahahalagang Bahagi/Balangkas


1.Panimula

-Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.


2.Gitna o Katawan

-Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinatalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilalahad na pangunahing kaisipan.


3. Wakas

-Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.



Mga Elemento ng Sanaysay

1.Tema

-Madalas na may iisang tema ang sanaysay.

-Sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.

-Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng tema


2.Anyo at Estruktura

-Mahalagang sangkap dahil naka-apekto ito sa pagkaka-unawa ng mga mambabasa.

-Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya.



3.Kaisipan

-Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.


4.Wika at Estilo

-Uri at antas ng pagkakagamit ng wika.

-Higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na pahayag.


5.Larawan ng Buhay

-Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda


6.Damdamin

-Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kanyang damdamin ng may kaangkupan at kawastuan.

Lectures in Filipino for G10 studentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon