In the year 3020X, as the population continued to surge while economic growth declined, the government faced an unprecedented challenge. When the economy hits rock-bottom and spiraled into despair, the government made a solution- to leverage human g...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 33: The Eye that Sees Beyond
Hindi lang ako ang nakapansin na wala nang laman ang tube na kanina lang ay kinaroroonan ni Seven. Red lights and warning alarms blared inside the room. Glass walls started closing in, at pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin habang pinapanood ang paligid na nagkakagulo. The overhead lights flickered, at kahit hindi ko makita ang mga doctor at scientist sa paligid, I knew everyone was in chaos after discovering the empty tube.
I need to run.
Napaatras ako at naghanap ng posibleng daanan. The reinforced doors hissed as they slammed shut. Natataranta akong tumakbo papunta sa kabilang bahagi, knocking on every glass wall to find an exit. The emergency shutters descended, at kapag tuluyan na iyong bumaba, wala na akong pag-asang makatakas.
I cleared my mind and thought about what's at stake here. I could think about saving my life, yes—bumalik na lang sa bahay ni Lola at mamuhay nang tahimik.
I wish it were that simple. But is my life really what's at stake?
No. My life and comfort are just a single grain of sand on the shore. It's more than that.
Sanip is in chaos. Kailangan nito ng tulong. And I'm no hero to spark that change. Hindi ko kayang iligtas ang Sanip sa korupsiyon, sa kasamaan, at sa mga taong may kapangyarihan. Pero tama si Kruger.
Being meek does no good. Being meek is no better than being the system itself.
You can't cry for change kung wala ka ring pagbabago sa sarili mo. Kung iiyak lang ako at patuloy na kukwestyunin ang mga maling desisyon ko, then I might as well act upon them to correct my mistakes. At anong silbi ng pagtakas ko sa Zone Z kung ang simpleng mamamayan ng Sanip ay tila bilanggo rin naman—walang boses, walang kapangyarihan?
Freedom is only an illusion. Freedom is not something to be claimed, not even something that can be granted.
Walang daan palabas sa mga pader, kaya tiningala ko ang kisame. Walang pag-aatubiling tinabig ko ang mga gamit sa ibabaw ng makina at umapak doon para makaakyat. I ripped the panel open, climbed in, and crawled my way out. Walang kasiguraduhan ang daang tinatahak ko, but I knew it was worth taking.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang gumagapang sa air vent. It was like crawling into the unknown. Hanggang sa may makita akong lagusan pababa. Nagmatyag ako sa paligid, pero bigla na lang may malakas na bagay na humampas sa kinaroroonan, causing it to break apart. Napasigaw ako nang bumagsak ako—pero bago pa ako tumama sa sahig, may sumalo sa akin.
"Hello."
Pagmulat ko ng mata, agad ko siyang niyakap. "Kruger!"
He stiffened, pero sa huli, tinapik niya ang balikat ko. "I thought you hated me."
I smiled at kumalas sa yakap. Aaminin kong hindi naging maganda ang unang engkwentro namin ni Kruger, but that's because he kept noticing the things I tried to hide.