12. It's A Love Thing

108 6 11
                                    

*Hillary's P.O.V*

"Hillary! Buti naman at nakarating ka." Masayang bati ni Lax sa akin at nakipag beso pa ako dito.

"Syempre naman. Matagal na din akong di nakakapag modeling tsaka namiss ko na din ang rumampa sa runway." Nagkukwentuhan kami ng lumapit si Sierra sa amin. Ang nag mamay-ari ng Glam Fashion Institute.

"Hillary ! Namiss kita. How are you ? I haven't seen you in ages." Niyakap niya ako at niyakap ko din siya ng mahigpit. Ang GFI ang naging tambayan ko mula bata hanggang highshcool. Mula kindergarten ang fashion runway na ang playground ko, habang ang camera lights and designer fashion wardrobe ang toys ko. Si Ma'am Alejandra pa ang may ari ng GFI nun at kasabay ko ang anak niyang si Sierra na naging kaibigan ko naman hanggang sa si Sierra na ang namamahala kahit sa murang idad.

"It's been four, three years? Naging busy ako. Ikaw din naman ata nag boom lalo yung GFI mula nung ikaw na ang namahala." Pabiro niya akong hinampas habang tumatawa.

"Ano ka ba. Kung hindi din naman sa mga staff and production team hindi magiging successful to. And of course sa pagiging strict ni mama. At sa pagiging supportive ni Chance sa lahat ng bagay." Napangiti ako sa mga sinabi niya at natutuwa ako dahil kahit hanggang ngayon, napaka humble niya pa din. Pero there's a hint of unsurness sa huling sinabi nya.

And I'm quite amaze dahil sila pa din pala ni Felix. Si Felix Chance Rosario, only Sierra calls him Chance. Actually matagal na silang mag-on. Mga five years na siguro?

"I'm glad na kayo pa din. Is he still into their car business?"

"Yes yes. Sobrang malayo na din ang narating niya at ng business niya. I'm happy for him at kahit ipagpalit niya ako. Okay lang basta ba't makita kong okay lang din siya." Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya but I chose to shake it off at tinawag na din naman ako ni Lax dahil mag mimake-up na daw.

"Nako girl! Wedding ang theme ngayon. Tapos sabin ni Sierra ikaw ang huling lalabas dahil ikaw ang magsusuot ng design niya." Kinabahan naman ako sa sinabi ni Lax.

"Seryoso? Bakit ako? Eh ang tagal tagal ko ng hindi nag momodel tapos ako pa yung sa final?" nanginginig kong tanong tanong pero tumawa lang si Lax.

"Ano ka ba, you are Dianne Hillary Mendez. Dito ka lumaki, ilang taon ka lang nawala. Doble o triple naman ang mga panahong ginugol mo sa pag momodel. Nasa Sistema mo yan girl kaya alam ko ng kaya mo yan."

*Chelsea's P.O.V*

Nasa apartment ko ngayon si Anthony. Buti na lang din at may biglaang out of town si Sage at ilang linggo pa bago siya makakbalik.

Tahimik kami pareho ni Anthony, at di ko alam kung bakit bigla nalang kaming naging awkward sa isa't isa. Siguro dala na rin sa limang taong pang di-dedma niya sa akin, ganun parin pala ang nararamdaman niya for me.

Now I know why never ako nag give-up. Dahil siguro alam ko sa kaluoblooban ko na he's worth it.

Sabay kaming napabuntong hininga at napakamot nalang si Anthony sa kilay niya. Tinitigan niya ako at sumenyas siya na lumapit ako sakanya.

Nasa magkabilang dulo kasi kami ng sofa sa harap ng nakakapatay na tv. Dahan dahan naman akong tumabi sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong hila-in kaya napasub-sub ako sa dibdib niya at natuwa naman ako ng naramdaman ko ang mga braso niya na nakayakap sa bewang ko. Kuntento na ako na ganun kami hanggang mag umaga. Haharot!

"Chelsea. I've been hurting you for so long. I've been hurting you for more than five years and saying sorry isn't enough. I don't want to say sorry because I've hurt you intentionally at hindi sapat ang sorry lang."

Niyakap ko siya at tumawa lang ako.

"Hindi ko naman hinihingi na mag sorry ka. We all have a choice, and my choice is to stay in love with you even though you kept on pushing me away. Maybe I always knew deep inside that you are worth it."

Hinawakan niya ang aking baba at tinititigan niya ako sa mata. Para bang hinihigop niya ang aking kaluluwa. And shooting stars passed as he kissed my lips. He was gentle at first pero nag tagal mas lumalim ang paghahalikan namin he's been kissing me passionately and deeply.

*Elaine's P.O.V*

I was scared.

I knew my step sister would come back, but not this soon naman! Tapos may bitbit pa siyang bata! And it doesn't look like her! But it looks like Patrick. Hindi maipagkakaila yun!

Agad akong lumabas sa back door at umalis sa bahay. Kailangan kong puntahan si Patrick dapat kong gawin ang lahat para wag sila mag tagpo ni Stacey at ng bata.

Hindi pweding gumuho ang mga pinaghirapan ko sa ganito ganito lang. Hindi ko kaya. Not for the second time around.

*Silver's P.O.V*

Tuwang tuwa ako buong mag hapon dahil sa ka artehang pinapakita ni Kristy. Sobrang irritable siya sa lahat at lalong lalo na sa akin.

"This kiss is something I can't resist. Your lips are undeniable." Kumanta kanta ako nung dumaan siya sa harap ko at nakita ko ang paglaki ng butas ng ilong niya at ang pag irap niya sa akin. Sumipol ako at natawa nalang ako ng nag akma siyang suntukin ako.

We were packing up ng bigla nalang lumapit si Mang Ermes sa akin, isa sa mga construction workers.

"Ser, si Ma'am Kristy po nasiraan ng kotse . Gusto niya po sana makisabay sa amin kaso puno na po yung dalawang van ser." Tinapik ko lang si Mang Ernes at tumawa lang ako.

"Ako na ho bahala sa maarteng babae nay un Mang Ermes. I got her."

Agad ko ng pinuntahan si Kristy na nasandal sa kotse niya at halatang stess na stress ito. Nakita ko pa ang inis at lungkot sa mata niya ng umalis na ang dalawang van na ang sakay ay mga trabahador.

"Hey, Come on. Sumakay ka na para di tayo masyadong gabihin sa daan." Nakasimangot siyang tumingin sa akin at umirap bago sumakay sa likod ng sasakyan ko. Napailing nalang ako bago pumasok sa driver's seat.

"Sige. Dito nalang tayo matulog." Nakakunot ang noo niya at tinignan ako ng masama.

"Ano ang ibig mong sabihin?" inis na tanong niya.

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka lumilipat sa tabi ko." Kalmado ko namang sagot sa kanya. Huminga siya ng malalim bago padabog na bumaba sa kotse at lumipat sa front seat.

Lumapit ako sakanya at umatras naman ito . Itinaas ko ang kamay ko at mas lalo naman itong namula. Napahawak siya sa dibdib niya at nanlaki ang mata niya. I smiled seductively at inabot ang seat belt.

"For your safety." Sabi ko ng naikabit koi to. I smiled the whole time lalo ng nakita ko ang pagkainis sa mukha niya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisting Back To You [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon