CHAPTER I ~The Journey~ Nikka's POV

14 0 0
                                    

Umingay na naman ang klase, syempre, paparating na siya. Aba't nagdala pa ng gitara!

"Aba, Trei! Ano na naman ang ilulusot mo? Wala tayong music class ngayon. Naturingan kang vice president ikaw naman tong pasimuno ng lahat ng ingay at gulo rito. Kaya tayo pinag-iinitan ni Ma'am D. eh."

Napatin gin sya sa'kin. Nakangiti pa rin. Nakakainis talaga siya. Parang walang narinig. Lapitan ko nga.

"Hoy, Trei! Bingi ka ba?"

"Ang sweet mo naman, Pres. Mahal mo talaga ko, ano?" Sige, push mo pa. "Una sa lahat, hindi ko naman gustong maging VP mo no. Ba't di mo sila tanungin kung ba't ako nandito." Sumigaw naman ung mga epal naming kaklase. Lahat nakikinig na kala mo may shooting. "Pangalawa, kasalanan ko ba na mahal tayo ni Ms. D. at ayaw niya tayong umalis sa school?" Lumapit sya sa'kin. Halos kalahating ruler na lang ata ung pagitan namin. "Pangatlo, masama bang...haranahin ka?"

I rolled my eyes. As if naman. Tong mga kaklase naman naming daig pa ang fans, wagas maka-tili. Pagawa ko kayang libro tong story namin? Benta siguro. Maya-maya, dumating na si Carla. Sino siya? Siya ung first love ni Trei na hanggang ngayon eh nililigawan niya pa rin. Mga 2 years na rin. Nung una, kala ng lahat simpleng infatuation lang at di tatagal. E matibay tong di mokong eh. Nagsimula na siyang kumanta. Napaupo na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. Ba't kaya di siya sinasagot ni Carla? Okay naman si Trei. Kundi lang ako badtrip sa kanya, sasabihin kong okay siya. HAHAHA. Matalino rin naman siya, tamad lang saka antipatiko, pilosopo, walang kagentle-gentleman, at madalas wlang pakialam sa mundo.

Habang tinititigan ko si Trei, narealize ko na gwapo pala siya. Tama pala ung mga babaeng tumitili at halos di makahinga habang nanonood sa kanya pag may performance ung band nila sa school. Matangos ung ilong niya, tapos parang nakalipstick sa pula ng labi, maputi, matangkad, kahit di niya inaayos ung buhok niya, okay pa rin siyang tingnan. HALAAAAAAH! *iling-iling* Oh hindi. Ano to???

Pinagpapantasyahan ko ba tong number 1 enemy ko? LUH?

"Bee, happy monthsary." MONTHSARY???Lumuhod pa si Trei sa harap ni Carla. Sila na pala? Kelan pa?

Tinitingnan ko lang sila non, ang saya-saya nila. Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming history ng sakit sa puso, pero bakit parang naninikip ung dibdib ko at nahihirapan akong huminga?

"SIT DOWN." For the first time in forever, natuwa ako na pumasok sa classroom si Ma'am D. Siya ung teacher naming sa Trigonometry. Oh dib a? Nakakagana talagang mag-aral kapag ganito ang first subject mo. Bungad pa lang ng araw, nakakasira na ng utak. -___-

"Bring out your books and turn to page..."Nagsimula na ung class as usual. Ako naman, nagsimula na ring mag-doodle. HAHAHA. Bait ko, di ba? XD Pero wag ka, may sarili akong notebook para sa bisyo kong to. HAHAHA. Nga pala, kanina pa ko nagsasalita pero di niyo pa ko kilala. HAHAHA. Nichelle Moreno nga pala. Sit mate ko si Carla since Moreno rin sya. Super tadhana ata ung tawag dito eh. President ako ng class, running din for valedictorian. Ewan ko ba. Si Trei Yuzon ung VP at running for Salutatorian. Kaya siguro mainit dugo ko sa kanya, kasi wala na kaming ibang ginawa mula noon kundi magpagalingan. Mula noon, lagi na kaming pinagtatapat. Kung pwede lang kaming mag-boxing at one on one sa basketball, malamang ee ginawa na rin namin. Pero ni minsan di ko naramdaman na pareho kami ng feelings. HAHAHA. Feelings?

"Nic, okay lang ba?" Kagulat naman tong si Carla, bigla na lang nagsasalita.

"Na?"

"Na kami na ni Trei." Aba! Ako pala nanay ni Trei? Ba't di ko alam?:/

"Huh? Ano kinalaman ko run?" With matching taas-kilay pa yan. Kaloka tong si Atei.

"Di ba gusto mo siya?"

GUSTO KO SIYA? Luh! Kelan pa? :/

World War IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon