So ayon nga, bale zombie pa rin ako. Weird magising isang umaga ng...teka, di naman pala ako natulog. Bale, weird bumangon isang umaga na parang wala lang. Lutang ka lang. Na parang bago lahat pero hindi naman. Boring pa rin un teacher, maingay pa rin sa klase, andun si Trei, si Carla, si Kim...silang lahat. Parang ako ata ung nawawala. So recap tayo? He broke up with me yesterday. Now what? Makikipagbalikan ba ako? Ano ba to? Saka ba't ba sya nakipag break? May alam ba si Trei? Kailangan kong makausap si Matt. Pero wag na lang? Para saan pa ung dahilan? Ayoko na rin namang malaman at balikan. Kailangan kong tumakbo. Tamang-tama kasi Friday today at walang klase bukas. Literal na tatakbo talaga ako.
Sa Sports Complex kung saan madalas kami ni Matt nung bakasyon...
Dapat pala hindi ako rito nagpunta. Dapat sa Mars na lang ako tumakbo tutal dun ko lang ata sya hindi maiisip. Tumakbo ako ng tumakbo nun. Eksena ko lang? Jogging ng naka-uniform?:/ Nun ko napatunayan na pwede pala ako sa tract and field. XD Nakuha ko pang mag-joke. Ganyan talaga, pag masakit na dapat idaan lang sa tawa. Mabilis na ung takbo ko pero nahagip pa rin ng mata ko ung dalawang taong sobrang gandang tingnan habang nagtatawanan. Ang saya-saya nila habang magkahawak-kamay. Hinawi pa nung guy ung buhok ni girl. Sweet naman. Ganyan din kami non. Tingnan niyo kami ngayon. -___- Ang perfect nilang tingnan...siya pala si HER, Matt. Si Carla pala.
Alam mo ung gusto mo nang lumakad papalayo pero ayaw ng paa mo? E alam mo ung ayaw mong umiyak pero gusto ng mata mo? ETO YUN!
Nakita kong lilingon si Matt sa side ko, gusto kong magtago pero hindi ko magawa. Una, open-field to. Pangalawa, naka-uniform ako. Pangatlo, ano'ng use e gamit ko pa ung bag na bigay niya nung birthday ko, bracelet na regalo niya nung first monthsary namin tsaka ung keychain na nakasabit sa bag ko na napanalunan niya nung nasa amusement park kami.
"Wag kang epal."
Narinig ko na lang nung may yumakap sa'kin. Nakasubsob na ung mukha ko sa dibdib niya kaya din a makikita ni Matt ung mukha ko. Di ko inaasahan na matutuwa akong marinig ung linya na un galing sa mokong na to. Kala ko kung anong gagawin niya, ipapasok lang pala ung headset sa tenga ko.
"Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito..."
Tadhana ng Up Dharma Down. Yeah, right. The music fits.Naiyak naman ako lalo. Napakurot tuloy ako kay Trei. Narinig ko pa syang umaray. Tapos hinawakan niya ung kamay ko. Ang init ng kamay niya...solar hands ba ito? HAHAHA. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa'min sina Carla at Matt. Weird. Ung ex boyfriend ko at...girlfriend ni Trei. Yeah. Pinunasan niya ung unlimited supply ko ng luha tapos tinapat niya ung noo niya sa noo ko.
"Okay lang." Was all that he said and we left the place.
"Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba to sa hangin?
Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo...
Ako ang sasagip sayo."
And he saved me.
BINABASA MO ANG
World War III
RomanceHindi ako sanay matalo. Pero ngayon, mukhang ako na mismo ata ang susuko. Posible bang mahalin ung taong pinaka ayaw mo? Ang labo ko, di ba? Ayaw ko sa kanya, pero gusto ko siya. Baliw na nga siguro ako. Teka lang, hindi ito kwento ng “The more you...