"So ayon nga. Carla found out but chose not to break up with him cause she loves him so much. Tanga rin siya parang ikaw. Then, there I was. I courted her and sinagot niya ako. Then Matt found out. And booom! You two broke up."
Obvious na shocked siya. Ang tagal din kasi siyang niloko nung dalawa. Bakit ko pa kasi pinatagal? Kung di ko lang nakikita na masaya siya. Kala ko kasi talaga mamahalin na syang tuluyan nung lokong un. Matapos kong sabihin un, umakyat siya sa kwarto nya na parang zombie sa Walking Dead. It will take a while. Mali talaga kami ni Kim.
Nag-ring un phone ko. Si Matt, tumatawag. Matindi rin tong isang to eh.
"Oh?"
"Anong ginagawa mo dyan?"
Bah. Nagmamatyag si loko.
"Ako? Ine-enjoy ung tinapon mo." Pinatay ko ung phone. Tama lang yon.
Tumawag ulit pero pinatayan ko. Nagtext naman. How sweet. Sabi ko na ako talaga type neto eh.
"Lumabas ka. Mag-usap tayo."
Di ko nga sinagot. Una, wala akong load. HAHAHAHA. Tinuloy ko ung pag-aayos nang mga kalat ni Nikki nung makarinig ako ng ingay sa gate. Lumabas ako para tingnan. Ung siraulo pala.
"Ayos din."
"What the hell did you just do?"
"Una, wag kang mag-English kasi di bagay sayo. Para naman sa sagot sa tanong mo, ginawa ko lang ung dapat. Pinapili kita. Di pwedeng dalawa, isa lang puso mo, tanga." Nakita kong napipikon na sya pero nagpipigil lang. Mag-iingay pa to baka lumabas si Nikki eh.
"I made the wrong choice."
"Wala akong pakialam."
"Nasaan siya?"
"Nasa langit kung saan wala ka." HAHAHA. Ang sarap niyang asarin. Nag-e-enjoy ako.
Maya-maya, narinig ko na may bumababa sa hagdan. Sino pa ba eh dalawa lang naman kami ngayon sa bahay nila.
"Nikk..." Halatang medyo nagulat sya. "Oh...may bisita pala tayo." Sabi niya sabay ngiti. Aba, may talent pala sa pag-arte tong si Nichelle. HAHAHAHA. Ayos din.
"Please have a seat." Ang pormal niyang magsalita. Ilang minuto naman kaya kakayanin ng acting prowess nya na to?
Naupo naman ung lalaking makapal ung mukha.
"Do you want anything?" Di makasagot si Matt. Good girl, Nichelle. Nung di sya sumagot, pumunta sa kusina si Nikki, kukuha ata ng kung ano. Sana di kutsilyo. HHAHAHA.
"What did you tell her?" Tinanong ako ni Matt. Tamang hinala rin to eh.
"I told her that I love her." Sabi ko sabay ngisi. Halatang pikon si mokong. Malakas lang din magpigil ng kilig este galit. "Kung bakit kasi kailangang lokohin mo pa siya? Pwede namang isa lang ang piliin mo."
"You don't care."
Buti dumating agad si Nikki.
"Here." Nagtimpla pala ng juice at naghanda ng sandwich. Tiningnan lang ni Matt ung pagkain. Then, Nichelle laughed...so hard. Para siyang nababaliw.
"Why? Are you thinking na lalasunin kita just because you're a freaking cheater? Hell, no. Sayang ang lason." Tapos tumawa na naman siya. Nakakatakot naman tong babaeng to. "What brings you here?"
"Can we talk? Ung tayo lang dalawa." Tapos tumingin lang sya sa'kin na parang gusto niyang magkaron ng sink hole sa tabi ko at mawala na lang akong bigla.
"Ha? Ayoko eh." Tapos ngumiti lang siya. Wala na kong masabi. Para akong nanonood ng teleserye/ sabong/ boxing. "Kung yun ung gusto mo, tapusin mo yang pagkain mo kasi ayaw kitang kausap. Nakakasawa ka kaya." Tas nag-smirk siya. Kokoronahan ko talaga to mamaya. Nakatingin lang si Matt sa kanya na parang nakalimutan na nya kung pano magsalita.
"Finish that then leave." Pero di pa rin gumagalaw si Matt.
"Bingi ka ba? I said, kainin mo yan at umalis ka na. Nakakasira ka ng araw. I lock mo ung pinto pag aalis ka na. Wag mo na rin kaming istorbohin para magpaalam." Hinila nya ako paakyat matapos niyang tarayan si Matt. Sayang, di ko tuloy nakita ung reaction ni Matt. HD pa naman un. HAHAHAHA
Pagpasok namin ng kwarto, humiga lang sya sa kama. Ako naman nakaupo lang sa tabi niya.
"Ayos din."
Natawa siya sa sinabi ko.
"Nakakapagod umiyak no." Sabi nya, pero alam kong kahit nakakapagod, ginagawa nya pa rin. Maya-maya, "nakatulog" na naman siya. Pagbaba ko, wala na rin si Matt. Mabuti naman.
Ginising ko ulit si Nikka ng 10am. Ayun, parang okay naman siya. Best zombie ever. Ano ba to? Ang bading kong magsalita. Nakakahawa si Javy. Tssss
BINABASA MO ANG
World War III
RomanceHindi ako sanay matalo. Pero ngayon, mukhang ako na mismo ata ang susuko. Posible bang mahalin ung taong pinaka ayaw mo? Ang labo ko, di ba? Ayaw ko sa kanya, pero gusto ko siya. Baliw na nga siguro ako. Teka lang, hindi ito kwento ng “The more you...