CHAPTER II ~upside down~ NIKKA'S POV

9 0 0
                                    

"Di ba gusto mo siya?"

Minsan talaga may mga tao na feeling mas alam pa sayo ung nararamdaman mo. Patatawas ako at papa-fiesta pag nagustuhan ko si Trei! -___- Kaloka ung si Carla. Kahit break na, di ko pa rin naalis sa isip ko ung sinabi niya. May boy friend kaya ako. :3 HAHAHA.

"Nic!" Ayan oh! Speaking of.

"Hi."Hingal na hingal pa siya nung umupo siya sa tabi ko. With that heart-melting smile, who won't fall? :3 Tas sasabihin ni Carla, gusto ko si Trei? Tsss.

Eto ang pag-ibig ko. Si Matt. <3. 5 months, 26 days, 21 hours, at 57 minutes na rin. Hihi. ^_____^

Engineering student siya, second year. Ako naman magtetake ng architecture next year.  Malapit lang kasi ung University nila kaya nabibisita niya ko tuwing lunch break. Kinuwento ko ung sinabi ni Carla. Ayon...tumawa lang siya nang malakas. HAHAHA. Sabi ko na eh.

"Bee, may gagawin ka ba mamaya?" Date na naman, Matt? HAHAHA. Ang feeler ko lang ee no? XD

"Uhm...wala naman."

"6PM after ng class. Hintayin kita sa playground." Nginitian niya ko tapos hinawakan niya ung kamay ko. Kilig na to! Hanlandi lang e no? HAHAHA.

"Sige, Bee." Tumayo siya tapos umalis na.

"Abaaaa! May pa-hawak- kamay ka pang nalalaman ha? HAHAHA. Ayos diiin." ^___^

Hindi ba pwedeng masaya na lang ung moment? Bakit kailangan laging may asungot sa eksena? Kainis talaga tong mokong na to.

"Tigilan mo ko, Trei. Kung naiinggit ka, andyan naman si Carla."

"Hahaha. You sound like your jealous." Tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

"HUH? Magugunaw muna ang lahat ng planeta sa solar system bago kita magustuhan, Trei."

I rolled my eyes. Kung feeler pala ako, mas feeler siya.

" Kung ako sayo, hindi ako magmamahal ng sobra at totoo." Bigla naman ngayon sumeryoso ung mukha niya tapos bigla na lang umalis.

Ano raw? Wag magmamahal ng totoo at seryoso?

"Hoy, Trei! Ano iyon?" Pasigaw kong habol sa kanya pero hindi naman sya lumingon.Weird ng dalawang un. Bagay nga sila. Isang tamang-hinala at isang kahina-hinala.

Papasok na sana ako ng classroom ng Makita ako ni Kim-best friend ko.

"Asan si Matt??" Agad na tanong niya.

"Umalis na." Bakit niya hinahanap si Matt? "Bakit?"

"Ahhhh. Wala. Si Trei, nakita mo ba?"

Ngayon naman si Trei. Anong nangyayari sa babaeng to?

"Umalis na rin. Ba't mo ba sila hinahanap?"

"W-wala." Di sya makatingin sa'kin. Nagsisinungaling to.

"Bakit?"

"Magkikita ba kayo ni Matt mamaya?

Wag kang pupunta."

Ang weird ng lahat ng tao sa paligid ko ngayong araw. Una si Carla na gusto ko raw si Trei. Si Trei na wag daw akong magmahal ng sobra at si Kim na kinokontra ang date namin ni Matt. -___- Buong period ko kinukulit si Kim kung bakit ayaw nya akong papuntahin mamaya kay Matt. Di naman siya sumasagot.

6PM na sa wakas. Magkikita na kami ni Matt. Itatanong ko na lang sa kanya kung nag-away sila ni Kim.

Tumakas lang talaga ako kay Kim kasi todo-bantay siya sa'kin kanina pa. Parang ikamamatay ko kapag pumunta ako kay Matt. HAHHAHA. Weird nito parang pizza lang. hahaha

Malapit na ko sa may playground nang may marinig akong nagsisigawan. Kilala ko un. Sina Matt at...Trei?

Di ko masyadong marinig ung sinasabi nila kaya lumapit pa ako.

"Kwits na kaya tumigil ka na." Nagpupustahan ba sila? Ewan ko ba pero mainit ang dugo ni Matt kay Trei kahit wala naming ginagawa si Trei sa kanya. Hhahaha. Sa bagay, ako rin naman.

"I'll break up on her. Just give her back to me." Galit na sabi ni Matt. Break up? HER? Ako? Bakit?

Di ko gets ung mga naririnig ko. Nakakabingi ung 'break up on her' na sinabi  ni Matt. He's planning to break up with me? Sino ba si HER?

"Shut up you selfish assh@le!" Sinuntok na ni Trei si Matt. Ano'ng gagawin ko? Lumabas na ko pero awatin sila. Nagulat silang pareho nung Makita ako lalo na si Trei.

"Nichelle..." Unang nagsalita si Matt.

"Shut the---" Aawatin pa sana siya ni Trei pero natuloy na ni Matt ung sinasabi niya.

"...Break na tayo."

Just that and he went away without saying a word liban sa pangalan ko na dinugtungan niya ng 'Break na tayo'. Natulala lang ako pagkatapos nun tapos napaupo sa swing habang pinapanood ung papawala na na araw. Andun pa rin si Trei na umupo sa tabi ko. Pareho kaming hindi nagsasalita. Marami akong gustong itanong sa kanya na ayaw kong marinig ang sagot pero gusto kong malaman. Aalis na ko nun nung hinawakan ni Trei ung kamay ko tapos niyakap niya ako. Ewan pero bigla na lang akong naiyak. Natapos ung gabi na hinatid niya lang ako sa bahay kahit super late na. Di kasi ako nakauwi  agad. Maga pa ung mata ko nun kaya baka kung ano lang sabihin ni mama. Di pa naman uso drama sa bahay namin.

"S-sala---"

"Una na ko." Di na niya pinatapos ung pagpapasalamat ko, nagpaalam na lang siya tapos umalis basta.

Pag higa ko sa kama, may hindi ako maintindihan. Weird. Parang nung araw na sinagot ko si Matt. Ung paggising ko, hindi na ko single. Ngayon naman, matutulog ako na hindi na in a relationship.

World War IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon