"Nic, may bisita ka. Bumangon ka na. Tanghali na." Oh di ba? Ang ganda ng alarm ko?
Sabado ngayon at 8am lang? Ano'ng tanghali ron? Pag may pasok, 4am ang gising ko at uuwi kami ng halos gabi na tapos ang dami pang assignments at projects. Mama, asan ang hustisya?:/ Sino naman kasi tong an aga-aga kung makapambulabog? Bumaba ako ng naka-pajamas pa.
"Nag-almusal ka na ba? Dito ka na kumain. Sabayan mo na si Nic kasi paalis na rin naman ako." Pinsan ko siguro. Magpapaturo ng homework. "Oh, ang tagal mo. Kanina pa si Trei dito."
TREI? O_o Anong ginagawa niyan dito?
"Ma, ngayon mo lang siya nakilala tapos pasasabayin mo siyang kumain sa'kin? Pano na lang kung..."
"Ano'ng ngayon lang? Di mo ba lam na kapitbahay natin sila nung grade 1 ka pa? Lagi mo nga siyang kinukurot buti di to nagsusumbong sa papa niya." WHAT??? "Kain ka lang, hijo. Kumusta mo ako sa papa mo ha?" Tapos umalis na si mama. Ano raw? Kapitbahay? Kinurot? Tawa lang ng tawa si Trei nung makalabas si mama.
"Imbento ka na naman."
"I did not lie, Nikki."
NIKKI???What the!?---
"Nikko!?" Ba't ngayon ko lang to nalaman?
"Ba't ngayon mo lang to sinabi?"
"Ba't kailangan ba ipagkalat ko?" XD
"Asungot ka pa rin. -___- Ba't ka ba andito, Trei?"
"To fulfill my promise to Mama." That's how he used to call my mom since he lost his when he was born. So we share the same mom kaya Nikko ung tawag sa kanya ng lahat kasi para raw kaming kambal.
"Whatever. Promise pa to. Anong promise naman yan?"
"That I won't leave you behind and that I'll protect you."
That sounded so real. Maniniwala na sana ako kundi lang sya tumawa nang malakas. Saltik talaga tong isang to.
"Tekken tayo. Sabi ni mama dito raw muna ako kasi wala kang makakasama. Ipagluto raw kita kasi nagbakasyon ung yaya niyo."
Hanggang kelan ba magbabakasyon ung isang iyon? Kainis. Masyado ng maraming revelations ang kwentong ito.
"Do what you want. Matutulog ulit ako."
"Oh, no you won't." Hinila niya ko sa kusina.
"Ano ba? Harassment to! Let me go."
"Harassment agad? Di ba pwedeng love muna? AHAHAHAHA. Umupo ka dyan."
"Isusumbong kita kay mama!"
"Isumbong mo, samahan pa kita ee!" Funny. That's how we used to say it when we were younger. When the only problem that we have is how to piss each other off. Now it's a bit different. The problem that we're facing is that, my ex-boyfriend flirts with his girlfriend.
"Papayagan kitang matulog pero hanggang 10am lang AT dapat kumain ka muna." Wow?Ang bait? Nawala bigla si Trei? HAHAHA.
He handed me a pancake. Shocks. Ung kinain namin ni Matt nung nagdate kami early in the morning sa QC Circle. -___- Tapos nagdala pa siya ng extra syrup kasi alam niyang mahilig ako sa matamis.
"Ayoko nito."
"Ihahanda ba to ng mama mo kung alam niyang ayaw mo nito?" Tssss. Pilosopo.
"AYOKO NGA."
"Isa."
"Ayoko."
"Dalawa."
Sumubo ako at pinilit kong lunukin. Grabe. Over na to. Kahit sa paborito kong almusal, bitter ako. Kainis.
"Pinakakain lang kita, hindi kita pinapaiyak."
Yeah...wait, what? Ako umiiyak? I touched my cheeks only to find out that tears are already flowing freely from my eyes. Hala? Am I crazy? Yeah.
"Wag ka ng umiyak. Gaganti tayo."
Para siyang bata. Gaganti? HAHAHAHA. Patawa naman tong si kuya.
"May alam ka ba?"
"Hmmm. Medyo. Alam ko na sila ni Carla bago pa naging kayo. Nung unang beses kang Makita ni Matt, coronation un ng pageant ng school, remember? Kasama dun si Carla and that's when he saw you."
Ang labo.
"So ba't mo pa niligawan si Carla, alam mo naman pala?"
"Personal reason."
Tsss. May personal pa tong nalalaman.
"So ayon nga. Carla found out but chose not to break up with him cause she loves him so much. Tanga rin siya parang ikaw. Then, there I was. I courted her and sinagot niya ako. Then Matt found out. And booom! You two broke up."
Di ko ma-absorb. So na-two time ako ni Matt, si Matt na two-time ni Carla, si Carla tinwo-time si Trei?
BINABASA MO ANG
World War III
RomanceHindi ako sanay matalo. Pero ngayon, mukhang ako na mismo ata ang susuko. Posible bang mahalin ung taong pinaka ayaw mo? Ang labo ko, di ba? Ayaw ko sa kanya, pero gusto ko siya. Baliw na nga siguro ako. Teka lang, hindi ito kwento ng “The more you...