CHAPTER VI ~All This Time~ TREI'S POV

14 1 0
                                    

"So di mo pa rin nasabi? Nandun ka na eh. Ang tanga mo talaga.Ang bading mo ever." See? Yan ang best man ko. Si Javy Calma. Straight yan last time I checked. Ganyan lang talagang magsalita.

                "Di naman yun madali."

                "De potsa, pare. Ilang taon nang  naimbak yan. Kumbaga sa pagkain, panis na. Kung ikukumpara sa tae, tubol na."

                Ahy, poootik. "Ambastos mo rin ha? Kumakain kaya tayo."

                "Alin? Ung tubol?" Tsss. Inulit pa. "Ikaw un eh. Tubol." Sabi niya sabay subo nung pagkain. Grabe. Di ko maisip kung pano niya un nagagawa. "Gusto mo, kami na lang." Sabay ngisi.

                "Do that and I'll kill you three times a day." Pagbabanta ko.

                "Seriously, sabihin mo na bago ka pa maunahan na naman ng iba."

                Sasabihin ko na ba talaga? Para namang hindi pa dapat sinasabi un sa mga ganitong panahon. Makakagulo lang ako. Magiging okay rin naman sya kaya hihintayin ko na lang un.

                "Ano nga pa lang balak mong gawin kay Carla?" Oo nga pala. Girlfriend ko na nga pala sya.

                "Makikipagbreak. Aanhin ko naman siya?"

                "Tssss. That's so unmanly, dude. Pinaglaruan mo lang siya?"

                "It's her idea, pinagbigyan ko lang. Alam mo naman iyon."

                "Oo nga. Pero malay mo mahal ka na talaga niyan. Shit, pogi problems."

                "Listen, yow."Naks, states side. XD "It's her idea para makaganti siya kay Matt. Nagsasawa na rin kasi siya na di makapili ung boyfriend NILA sa kaNILA."

"Para kayong mga tae." Walangya talaga.

"Kung may naramdaman ako-wala. Kung minahal, mahal, o mamahalin ko sya-hindi." Seryoso kong sabi. Hindi umimik si Javy. Seryoso lang din syang nakatingin sa'kin.

"Pootik, pre! IKAW NA ANG MANUNULAT NG TAON! IPASA MO YAN SA PUBLISHING HOUSE!"

Tssss. Puro talaga kalokohan. May mga kaibigan ka talaga na mas madalas pa ung pagbagyo o pagbaha kesa sa makausap mo sila nang matino.

Eto na un. Patatagalin ko pa ba? Sasabihin ko na. Isa lang naman talaga ang dahilan kung bakit umabot sa ganito lahat. Kung bakit kasi pinatagal ko pa? Teka, wala naman nga pala akong choice.

*FLASHBACK*

Kapanahunan ng kamusmusan. Alam kong din a ko matatandaan nung batang kalaro ko. Oo naman. Grade 1 pa kaya kami nun. Pero bakit ako? Di ko sya nakalimutan? Umabot na ng High school ung infatuation ko. Schoolmates kami, obviously, ako lang ang nakakaalala ng connection namin. Ewan ko rin kung bakit di ko malimutan. Baka kasi dahil sa pangako ng dalawang mga bata?

Mula first year, nakikita ko na iyong crush ko. Di naman ako lumalapit sa kanya kasi nahihiya ako-torpe ata tawag dito. Tsaka ano namang sasabihin ko? Hi, Nikki! Ako nga pala si Trei. Ung kalaro mo nung grade 1. Para namang maaalala nya pa. Bakit nga ba importante sa'kin si Nikki? Ah basta. Saka ko na lang din ikukuwento. HAHAHAHA

E di ayun nga, 2nd year high school kami nun nung makabangga ko sya sa cafeteria. Syempre sa kanya wala lang. Di ko kaya nilabhan ung uniform ko nun. Sabi ko kay papa nasunog habang pinaplantsa ko. :D

Lagi pati akong tumatambay sa hallway. Mga 2 years ko rin iyong tinyaga. Ang totoo, ayoko talagang mapunta sa Pilot section. Di naman ako piloto...harhar!XD Kasi nga, busy na run. Wala na time mag-chiiiill. Pero tinanggap ko na rin ung offer since nandun nga siya.

Nung una pa lang naming magkita, mainit na dugo nya sa'kin. Di ko gets kung bakit. Mayabang daw ako. Ano namang magagawa ko kung nag-uumapaw ang charm ko? AHAHAHAHAHA. Ayun, mula non, napapansin nya lang ako pag magyayabang ako o maninira ng araw niya. Lagi na lang akong epal, sabi nya. Oha? At least napansin niya. XD Nababaduyan man ako nun, pero nagsulat talaga ako ng diary. Ipepelikula ko na nga eh-Diary ng Stalker. HAHAHAHA. Feeling nya bigla na lang akong sumulpot at nanggulo sa buhay niya. Kung alam mo lang...

Nung prom, isasayaw ko sana siya pero natorpe na naman ako. Sobrang ganda niya kasi. Kung itatanong mo kung bakit di ko sya naligawan, wag mo nang tanugin. Maganda sya, matalino, mabait...basta. Ayoko nang sabihin ung iba. Nakakapagod din minsan ipagmayabang kung gano kaperperkto ung crush ko noh! HAHAHAHA. Crush pa rin ba kahit 6 years na ung lumilipas? Nung grade 1 kasi, puppy love lang. Tas crush nung HS, tas...ang gulo.

Minsan di  mo malaman kung saan mo pararaain ung nararamdaman mo, kung sa tula o kanta, o post sa FB, picture sa instagram...o itatago mo na lang hanggang sa mag-celebrate ka ng 10th year Happy Crush Anniversary. Haaaay. Mahirap ma-torpe lalo kung 10 yrs na (counted ang elem days. HAHAHA)

Nakahiga lang ako ngayon. Iniisip kung sasabihin ko na ba bukas. Nakatulala lang sa kisame na parang sasagot ung mga butiki. Sasabihin ba o hindi? Totoo pala, nagrarhyme at nagiging makata pag umiibig-pakisama na rin ung napapa-malalim na Tagalog.  -____-

Teka, nasabi ko bang umiibig?

                                                            Y_x@

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World War IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon