07/21/15
Mas mabuting plano ang lumayo sayo.
Dahil sa tuwing lalapit ako sayo,
Ramdam ko ang iyong paglayo.
Kailangan kong tanggapin ito.
Kahit masakit at mahirap.
Kung kailangang di kumurap,
gagawin ko para lang matanggap.
Ang sarili kong unti-unting naglalaho sa isang iglap.
Luhang dumadaloy sa aking pisngi,
Ay pilit na tinatago sa isang ngiti.
Puso kong di mapigilan ngayon ay sawi.
Pagmamahal mo'y hinihintay palagi.
Mga sandaling pinanghawakan ang mga salitang 'kaya ko pa'
Oras ay di kailanman mabibili ng pera.
Minsan nang nasabi sa sarili 'Sa lahat ng iibigin, bakit sya pa?'
Tuwing masasaktan ang puso na walang ginawa kundi ang ibigin ka.
Sana saking pagbitiw ,
Puso'y maliwanagan giliw.
Ngunit dala pa rin ang aliw,
Ng ngiti mong rason kung bakit minsan nang naging baliw.
Sa aking pag-alis iiwan ko'y isang hiling.
Sana'y maging masaya ka sa ibang piling.
Sapat na sigurong nakilala kita,
Sabi nga nila "Pinagtagpo ngunit di nakatadhana."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lesson : Okay lang maghintay at umasa pero hindi hanggang sa puntong muka ka ng tanga.Naisip ko lang to habang ginagawa ko yung assignment ko....
Nakakahilo kasi kaya sumulat na lang muna ako ng tula >___<