Di ko malimot-limot lugar ng ating pag iibigan
Sampung hakbang matapos ang lugar na ating kinakainan
Di ko maiwasang hindi isipin mga kwentuhan
Tamis ng iyong pangakong hanggang ngayo'y iniingatanMaiging minamasdan ko ang iyong paggalaw
Isang magandang paalam ba itong pagsayaw?
Isang hakbang palayo simbolo ba ng iyong pag ayaw?
Unti-unti kang naglaho na tila ba'y isang bulalakaw?Saan? Saan? Saan ka pupunta?
Bakit iniwan mong luhaan at mag isa
Sa gitna ng entabladong kung saan tayo nag umpisa
Pangako mong binitawan isang bara na lang saking tengaPinipilit ang sarili sa tunay na nangyari
Nabaon na sa pag asa itong puso kong sawi
Sariwang sariwa pa ang sugat na ikaw ang sanhi
Ginuhit mong bahag-hari ngayo'y nabubura unti-untiSabihin mo kailan? Kailan puso'y muling bubuksan
Pagkat ngayo'y wasak na wasak sa iyong paglisan
Nais kong malaman ang tunay mong dahilan
Hanggang ngayon tinatanong ko "Ako kaya'y iyong babalikan? "Sa'king pagbalik sa pinagmulan ng ating kwento
Bawat hakbang palapit katumbas ay bigat sa puso
Darating ang panahon puso ko'y makukuntento
Sa ngayon ang alam ko handa na ako, handa na akong bumitaw sa iyo