8/19/15
Alam ko, alam ko na siya'y iyong gusto.
Di mo man sabihin, kita ko sa iyong bawat tingin.
Tingin mong ibang-iba kumpara sa pagtingin mo sa amin.
Sa kilos mo tuwing kasama siya.
Sa lakas ng iyong pagtawa 'pag ika'y kausap nya.
Mga ngiti mong kakaiba 'pag siya'y kaharap mo na.
At bawat kwento mong parang wala ng bukas pa.
Oh kaibigan, alam ko sa bawat ating pag-uwi.
Sa lahat ng kwento mo ngalan niya'y nababanggit.
Hindi mo man aminin, alam kong siya'y nasa iyong isip.
Ngayon sabihin mo kung ako'y nagkakamali.
Ngunit kaibigan, tanungin mo ang iyong sarili.
'Hindi ba masyado ka ng napapalapit?
Hindi kaya ikaw lang mag-isa ang syang umiibig.
Mag-iingat ka't baka puso mo'y masawi.
Subukan mong lumayo kahit isang saglit.
Tingnan natin kung ika'y kanyang hahanapin.
Nang iyong malaman ang tunay nyang hangarin.
Kung ika'y mamahalin o paaasahin .