Isang tula na naman ang aking ilalatag.
Hindi tiyak kung anung uri ba ito.
Pormal o di pormal?
Maski ako'y hindi alam.
Tanging alam ko ay parang panghimagas na halo-halo ang istoryang handa ko ng isalaysay .
Tila ba isang halo-halo sa damdaming umaapaw.
Ituring na ang sahog ang ating mga alaala.
Matamis,marami at makulay.
Oo, makulay.
Pinagmamalaki.
Ngunit hindi ko inaasahan na pagdating ng panahon ay lilipas din.
Tag-araw, tag araw noong binigyan mo ko ng pakiramdam na biglang nagpasabik ng puso ko.
Taglamig, taglamig ng tuluyan kang nanlamig at nawalan nang tamis.
Ngunit hindi bat ang panghimagas na ito'y hindi malilimutan.
Hindi malilimutan.
Nagbigay ng tamis ( Tamis sa'king buhay)
Pinatid ang uhaw ( Ang pusong naghahanap ng pagmamahal )
Ngunit biglang sumagi sa isipan gusto na lang kitang kalimutan.
Ang lahat sa atin ay tapos na.
Tapos na.
Parang kung paano mo hinigop ang huling gatas na natira sa isang baso.
Tapos na.
Parang kung paano mo unti-unting sinarado ang pinto sa kwarto.
Tapos na...
Na kung paano mo ko iniwan nang panahong ipakikita ko sayo lahat, Lahat ng ating alaala sa isang puno na saksi sa lahat ng ating pagmamahalan.
Ang pag-ibig natin ay isang librong isang pahina na lang ang natitira.
At ito.
Isipin mong ito na ang huling pahina.
Ang katapusan ay di mahalaga.
Sapagkat lahat ng ating pahina ay naging isa ng alaala.
Pero sa di inaasahang pakiramdam ay nais kong ipakawala na kung paano pinalalaya ang kalapati....
ngunit sa bandang huli ay babalik.
Kahit na piliting limutin,pakawalan at itapon ay kusa pa ring babalik.
Gaya ng ngayon.
Habang tinatapos ko ito ...
Tandaan mong hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.
Sasabihin ko ang lahat hangga't naaalala ko pa.
Hindi ko alam kung anong oras malilimot na kita.
Pero ng isipin kong kalimutan ka'y mahirap din pala.
Siguro'y ito na ang huli na ang sasabihin ko'y nasa diwa ko pa.
Sa susunod na makikita kita ....
LALAGPASAN KITA
HINDI PAPANSININ
TATALIKURAN
Hindi dahil hindi na kita mahal....
Kundi dahil binawi na ang aking mga alaala.