What Mature Pain Looks Like.

1 0 0
                                    


As I look at him, I can't remember any feelings before.

Halos ipagbuhol ko na yung mga daliri ko sa kamay habang hinihintay kung anong sasabihin niya.

"I--I'm sorry..." Halos pabulong niyang sabi.

Napangiti ako nang mapait. Bakit ngayon lang?

Tumango lang ako dahil wala pa akong lakas magsalita.

4 years kami.

Hinawakan ko yung daliring sinuotan niya ng singsing noon. Wala na ngayon.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa sapatos ko.

"Para saan?"

Narinig ko ang paglakas nang buga niya nang hininga.

"Para sa lahat nang nagawa ko sayo noon."

Umiling-iling ako.

"Isn't it a bit too late now?"

"Alam ko. Alam kong dapat dati pa ako humingi nang tawad sayo--."

Tumango ako at dinugtungan ang sinabi niya, "Kaya lang, you're not really sorry back then, di ba?"

"Come on. Don't be like that."

"Like what? Matanda na tayo, Zi. Wag mo nang isugarcoat pa yung nangyari noon. Nagtataka nga ako bakit pa tayo nag uusap ngayon eh. I mean, for what? For the memories?"

"No. Hindi ganun. Gusto ko lang ihingi nang tawad lahat nang kasalanan ko sayo. Minumulto ako nang konsensya ko, Lex."

Natawa ako. "Wow. Ang tagal nagising niyang konsensya mo ah. 5 years! 5 years bago ka minulto."

"I'm sorry..." Na naman siya.

I rolled my eyes.

"What do you want from me, Zi? You want closure? Fine! Why did you do that to me? Inaya mo pa ko nang kasal. So, bakit?"

He's really having a hard time, huh. Like it was only yesterday.

"I was stupid and insecure. Minahal naman kita, Lex. Maniwala ka man o hindi. Sa 4 na taon nating magkasama, totoong minahal kita."

"Hindi ka masarap magmahal, Zi. Kung ganyan ang klase nang pagmamahal mo, mabuti na lang din at hindi tayo nagkatuluyan. Kasi sa 2 taon dun sa 4 na taon na yun, niloloko mo ko."

"Alam ko, Lex. Ang kapal nang mukha kong hilingin na patawarin mo ko. Pero susubukan ko pa rin."

"Lahat nang dahilan na sabihin ko sayo will never justify my mistakes. Sadyang nagpadala lang ako sa tukso. Sa thrill na may dalawang babaeng naghihintay nang atensyon ko. At ang gago ko dun, Lex. Maniwala ka. Pinagsisisihan ko lahat."

"Gwapong-gwapo ka sa sarili mo nun, ano? Samantalang ako, halos mabaliw kahihintay sa pag uwi mo. Kung ano na bang nangyari sayo, kung naaksidente ka ba dahil hindi ka makasagot ng cellphone mo. Halos ikabaliw ko yun, Zi."

"Walang silbi yang sorry mo nung mga panahong nalaman ko na ang lahat. Na kaya pala palagi kang nag-oovertime ay dahil may iba ka pang girlfriend. Galit na galit ako sayo nun. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas lahat nang galit na nararamdaman ko para sayo. Gusto kitang saktan. Gusto kita saktan nang pisikal pero alam ko, yung mga sugat sa katawan mo gagaling pero yung mga sugat na binigay mo sakin buong buhay ko dadalhin "

"Hiyang-hiya ako nun. Lalo na sa pamilya mo, Zi. Sa Papa mo lalo. Nung suntukin ako ni tito dun lang ako nagising sa katotohanan kung gaano kalaking kasalanan yung nagawa ko sayo at sa pamilya mo."

Nangilid ang luha ko nang banggitin niya si Papa.

"Gustong-gusto ka ni Papa. Alam kong alam mo yun. Akala niya nahanap ko na yung lalaking mag aalaga sakin nang higit pa sa kanya. Excited pa siyang mamili nang barong na isusuot sa kasal kahit wala pa naman tayong pinaplano. I was not only broken for myself, Zi. I was brokenhearted for my Papa, too. Pareho kaming niloko mo. May isang gabi pang naglasing siya at umiiyak kasi mali daw siya nang pagkilatis sayo. Sinabi ko na lang, na wala siyang kasalanan kasi ikaw yung nagloko. Ikaw yung hindi nakuntento."

And this man beside cried.

"Alam ko naman na hindi ako perfect na girlfriend, Zi. May mga pagkukulang ako, may mga ugali akong hindi maganda pero sapat ba yun para gaguhin mo ko nun? Deserve ko ba yun?"

"Ilang araw, linggo at buwan kong tinanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang. Kung hindi ba talaga ako sapat, na kinailangan mo pang may isabay sakin para makuntento ka. Inalagaan naman kita, di ba? Pinagluluto, inaasikaso. Binibigyan rin kita nang oras para sa sarili mo."

"Wala, Lex. Hindi mo kasalanan. Wala kang pagkukulang. Sobrang swerte ko sayo nun. Hindi lang talaga ako nakuntento. Nagtanong pa ko sa sarili ko na baka may better pa. Grabe yung tingin ko sa sarili ko nun. Pakiramdam ko, I'm such a good catch and I deserve the best. I'm not saying you're not the best, Lex."

"I know. I get it. Siguro yun lang yung way ni God para alisin ka sa buhay ko. Matigas kasi ang ulo ko. Sobra akong kumapit sayo kaya kinailangan pa ni God iparanas sakin kung gaano mo ko kayang saktan bago ako bumitaw."

"Yea. God knows you deserve someone better than me."

"That we can agree on."

I got up. Ready to leave. I think we're done here.

"You really don't have to beg for my forgiveness, Zi. Kasi matagal na kitang napatawad. It's been 5 years since we broke up. May kanya-kanyang buhay na tayo. I'm happy with my own family now. I really think you're the one who needs to forgive yourself. Para hindi ka na multuhin pa nang konsensya mo. I'm okay. You didn't gave me a life ending pain. I'm strong. I got up on my own. Kaya sana, ikaw din."

And with that, I walked away from the man who once-upon-a-time I thought was the one.

~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sometimes, Love Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon