Prologue

132 5 3
                                    

Kawawa naman siya, Okay lang ba siya?
Grabe naman yung nangyari..
Bakit ano yung nangyari?
Namatay yung girl friend nya.. ay grabe pala..
Simula nung namatay yung girl friend nya nagka ganyan na siya..

Nandito ako ngayon sa canteen ng school namin, naririnig ko nanaman ang bulung-bulungan nila. Pinag pipiyestahan nanaman yung nangyari. Tch. Nakakabwisit. Paulit-ulit na lang. Mag-isa lang ako na nakaupo sa isang table at lahat sila naka tingin sakin at nag-bubulong-bulungan hanggang sa dumating yung ilan sa barkada ko..

"Oy pre! ayos ka lang ba?" sabi ni Axel na umupo sa harap ko
"Condolence pre" sabi naman ni Arvin na tinapik ang balikat ko at
"Nandito lang kami para sa'yo" sabi ni Rey na inakbayan pa ako.

Wala ako sa mood ngayon. Madali akong mainis, mairita o magalit. Kaibigan ko sila pero medyo naiirita na ako. Siguro kasi paulit-ulit nila yang sinasabi, paulit-ulit 'tong nangyayari. Ayaw ko nang kinakaawaan ako. Ayos lang ako! di ko kailangan ng awa nyo!

Maka-alis na nga dito, tumayo ako ng padabog at aalis na sana..

"Uy pre!"
hinawakan ako ni Arvin sa kamay at pinigilang umalis. aba hayp na yan! kumuyom na yung mga kamao ko. Kalma lang Rage! kaibigan mo sila.

"Okay lang ako guys. Okay lang ako.."

Buti na lang at nakakapag pigil pa ako. Kung hindi baka last week palang e na kick-out na ako dito sa school na'to.

Ganyan na lang lagi.. nakakasawa na. Ano kaya kung sumunod na lang din ako kay Jessica?

------------

Science na at last subject na namin ito ngayon. Adviser namin ang nag-tuturo kaya medyo barkada at komportable sila kay sir kaya ayan at may naka-taas pa ang paa. Bastos! Gusto ko nang umuwi ano ba yan! katagal naman. Uwing uwi na ako, nakakabagot shet!

"Okay class, don't forget to do your homework" sabi ni sir Garcia. "Anong page po uli sir?" tanong naman ni Mark, di ka kasi nakikinig! ito yung bwisit na nakataas pa yung paa kanina. "Hay nako Mark, di ka talaga nakikinig. Page 134" medyo iritadong sambit ni sir. "Ah. Okay po!" at napakamot sa ulo si Mark, medyo napahiya. Buti nga.

At dumating na ang kanina ko pang hinihintay "Class dismiss!"
"Yes!" sabay sabay nilang sinabi. Di lang naman ako 'tong gusto nang umuwi, halos lahat din kami. Papatayo na ako nang..

"Mr. Evans pumunta ka sa office" sabi nang nakatayo sa harapan kong si sir Garcia. Oh? ano nanaman to? "Bakit po?" Wednesday ngayon, Last week ay na guidance ako at nung Monday ay na discipline office ako dahil nakipag suntukan ako sa First year College na di ko alam kung binunggo ako o nabunggo lang. Nag-simula 'to last month. "May pag-uusapan tayo" at nag lakad na palabas ng classroom si sir.

Nag-lalakad kami ngayon papunta sa kabilang building kung saan nandoon ang faculty office. Ang daming ala-alang naiwan dito sa mga lugar na nadadaanan ko. Dito sa benches kung saan nag-liligawan pa kami dati at tambayan naman namin nung naging kami na. Doon sa court kung saan ko siya tinanong kung pwedeng mang-ligaw at kung saan nya din ako sinagot. Sa Tambayan ng Campus kung saan kami laging kumakain. Sa library kung saan dati ay pinupuntahan namin tuwing kailangan namin mag review o mag basa ng mga libro. Dito sa computer lab kung saan nagkukulitan pa kami.

Ang sakit pa din, lalo na at sariwa pa ang sugat. Parang nag liliyab yung dibdib mo sa sakit. Parang naiiyak ka na hindi. Yung sa sobrang sakit, ang tanging masasabi mo na lang ay NAPAKA SAKIT TALAGA.

"Rage.. Rage!" nandito na pala kami sa faculty. "Tulala ka nanaman" kitang-kita ko sa mga mata ni sir ang pag-aalala. "Ano po ba yung pag-uusapan natin?" tanong ko gamit ang blangkong ekspresyon as usual. "Nag-aalala na kaming mga teachers mo. Ang baba na ng performances mo, pati ng quizes mo. Hindi ka naman ganyan dati, nagkaganyan ka lang simula nung.."

di ko na pinatapos si sir at sinuntok ko ang pader sa tabi namin. "Wag nyo nang ituloy sir.. WAG NA WAG." madiin kong sinabi. "Sorry. Concern lang naman kami.." at napayuko si sir. Medyo na-guilty tuloy ako, na-offend ko pa yata si sir. "Uwi na po ako" di ko na pinag salita si sir at umalis na ako.

Pagkalabas ko ng school ay agad akong pumara ng masasakyan para makauwi. Nang malapit na ako saamin ay imbis na sa bahay ako tumuloy ay pinadaan ko na lang muna sa bilyaran at doon tumambay. Gabi na ako umuuwi. Wala din naman akong kasama sa bahay, nag ta-trabaho si mommy sa ibang lugar at sumakabilang bahay na si daddy. Ang nag aasikaso lang saakin ay ang best friend ni mommy na kapit-bahay lang namin.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon