Chapter 5

49 2 2
                                    

Lumipas ang pangalawa at pangatlong araw ng Intrams. Nanalo kami sa basket ball at volleyball. Lumipas din ang mga panunuyo at pakikiusap ko kay Jessica. Kasalanan ko din naman kasi kung bakit siya nagalit. Sayang lang yung friendship namin. Should I give up? What am I thinking?! Stupid Rage! refuse to lose, never give up!

Kaya napag usapan namin na oras na mag champion kami sa Basket ball o volleyball ay papatawarin na ako ni Jessica at papayag na siyang mang-ligaw ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano nila napa-payag si Jessica sa kasunduang ito pero ayos na iyon! Hindi ako papayag na matalo kami. Dapat manalo! Kung hindi lagot saakin sila Axel.

"Okay! last 10 seconds.. 10.., 9.., 8.." at nag simula na silang mag bilang sa pag-tatapos ng championship namin sa Basket ball. Damn! lamang pa ang kalaban ng 2 points. Hawak hawak ni Ace ang bola at nag di-dribble, nag-hahanap siya ng mapapasahan dahil malakas ang dipensa ng kalaban. "Ace!!" tawag ko sa kanya at winagaygay ko ang aking mga kamay. Tumingin siya at ngumiti dahil alam na nya ang ibig kong sabihin. Kung ishu-shoot niya ang bola, magkakaroon kami ng 2 points at mapapantayan namin ang kalaban. Pero kung ipapasa nya saakin ang bola at ishu-shoot ko ito galing sa kinatatayuan ko ngayon, may 3 points kami at kami pa ang mananalo. Dahil madaming naka bantay sa kanya, hindi nya mai-shoot ang bola. "7.., 6.., 5.."  At dahil walang naka bantay saakin, madali kong mai shu-shoot ang bola. "Raaage!" sigaw nya at inihagis na nya ang bola papunta sa akin. Sinubukang habulin ng mga kalaban ang bola at agawin ngunit huli na. Nasa akin na. "4.., 3.., 2.." agaran kong ishinoot ang bola.. Papasok ba? o sasablay? "1!" at nag sigawan ang mga manonood. Narinig ko ang cheer ng kalaban. Hindi ba umabot? shit!

"Counted" sabi ng MC. At nag sigawan na ang co-section ko. Binuhat nila ako. Ang saya! pero hindi dahil sa nag champion kami, dahil sa ginawa nilang kasunduan.  "Woooh! Rage! Congrats!" sigaw nila Axel. Sa gitna nang kasiyahan ay agad kong itinapon ang paningin sa mga manonood. Hinanap ko ang babaeng dahilan kung bakit kami nag pursiging mag champion. Nasaan ka na? At nakita ko ang mga kaibigan niyang nag tatalunan. Hindi ba nila kasama si Jessica? where is she? Nang ibinaba na nila ako galing sa pag-kakabuhat ay tinapik nila Ace ang balikat ko. "Good luck bro" at itinulak nila ako mula sa section naming nagkakasiyahan. At nakita ko na nga ang aking hinahanap. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko kasama ang mga kaibigan nya sa likuran niya. Naka white t-shirt lang siya na may nakasulat sa harap na 'Just do it' at blue jeans, naka converse naman siya na kulay blue. Nakatingin saamin lahat ng tao, nasa gitna kasi kami ng gym. At ang maingay na mga estudyante ay tumahimik. Bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. This is it Rage! Don't be stupid.

Humakbang ako papalapit sa kanya at nag salita siya kaya natigilan ako. "Congrats!" bati niya habang nasa likuran ang kanyang dalawang kamay at naka-tingin sa sahig habang may ngiting naka-guhit sa kanyang labi. Pero hindi siya naka tingin saakin. Bakit? "Sorry" sabay naming sinabi. Nagulat pa kami at nagkatinginan. Namumula siya, at nararamdaman ko din ang init sa aking pisngi. "Ayiiiiieee" dinig ko nanaman ang mga yan. At hindi lang sila Axel at barkada o ang mga kaibigan ni Jessica kundi lahat ng estudyanteng saksi sa kung ano man 'tong nangyayari saamin ngayon. I find it cheesy and corny but.. there's something. A fire starting in my heart. And it's burning my chest.. burning for some reason and I don't know why. It's weird you know. The dare devil of this school is in love now. Ang bully at walang sinasantong si Rage ay napalambot ng isang babaeng mas matigas pa sa kanya.

"About nga pala don sa usapan niyo nila Axel.. uhmm" hindi ko makapa ang mga salitang sasabihin ko. Iba ang kaba na aking nadarama. "Listen Rage M. Evans. Minsan ko lang ito sasabihin at hindi ko na muli uulitin. Pinapatawad na kita at.. pumapayag na ako na ligawan mo." yan ang mga salitang nanggaling mismo sa kanyang mga labi na ikinagulat at ikinatuwa ko. Ni-hindi man lang siya nautal. Tuloy-tuloy ang pagkaka-sabi niya at walang halong pag-dadalawang isip. Is this real? woah! Hindi na ako nakapag salita at para na akong istatwa dito, niyugyog-yugyog ako ng aking barkada at binuhat nanaman. Wala akong ibang nagawa kundi ngumiti at maging masaya. Nakita ko din ang pag ngisi at pag iling niya bago umalis sa harap namin.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon