Chapter 1

109 5 5
                                    

/wooosh/

natapon sa akin yung coke. at sa sapatos ko!

"Woah! bro!"

"sorry! sorry di ko sinasadya... sorry" nanginginig na yung tuhod ng babaeng 'to. wala akong pake. nabuhusan ng lintek na coke nya yung sapatos ko dahil sa katangahan nya!

"Alam mo bang mahal 'tong sapatos ko? punasan mo yan!!!" lumuhod nga siya at pinunasan nga nya ang sapatos ko.

Bully ako sa school na 'to. Kinatatakutan. Simula nung nang-babae si daddy at iniwan kami, nagka ganito ako. Matino naman ako dati, anghel nga daw ako. Nagulat nalang daw sila nang tinubuan ako ng sungay at buntot, this angel turned into a wild devil.

"Nandyan na si Rage" "Tara na.."

"Aah!" napatumba ang bakla sa harap ko. Iiish! bwisit!

"Hayp! bulag ka ba? di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" Pasigaw kong sinabi, aba matapang! ni di man lang nag sorry, kinuha lang nya yung mga gamit nyang kumalat sa daan. Kaya ayun at kinuwelyuhan ko "Matapang ka?! bakla ka naman e! ano ha?!"

"Bitiwan mo siya" kalmadong sinabi ng babaeng kasama niya. Teka, tama ba yung narinig ko? Hahaha pinapatawa yata ako nito. Ako? si Rage Evans? inuutusan nito?! "Pano kung ayaw ko?" nakangiti kong sinabi.

"Bakit? sino ka ba sa tingin mo? may ari ng school na'to? anak ng presidente ng bansang 'to? Diyos?!" ngumisi siya.. "Kapal naman pala ng mukha mo. Ikaw yata yung bulag e.." kita ko sa mga mata niya ang inis.
"Jessica tama na.." pinipigilan na siya ng baklang kasama nya pero di pa rin natitinag ang babaeng nasa harap ko.

"Anong tama na?! siya yung hindi tumitingin sa dinadaanan niya tapos ikaw 'tong ginaganyan nya?! hoy lalake! /tinuro niya ako at humagbang siya palapit saakin/ sino ka ba sa tingin mo? pare-parehas lang tayong mga estudyante sa school na'to hano. Kung makaasta ka naman akala mo kung sino ka" naka-kuyom na ang kanyang mga kamao, balak yata akong suntukin.

"Hahahahahaha. At sino naman ang nag-padala ng clown dito? grabe! napatawa mo ako. Sino ako? ako si Rage Evans! bakit papalag ka?! Malay ko ba kung may gusto kayo saakin at nag-papapansin lang kay--"

/PAK!!!/

"Ang KAPAL talaga ng mukha mo. Tara na nga! We're just wasting our time here."

Isang napaka-lakas na sampal ang inabot ko. Ang sakit. Ang hapdi. Iba 'to. Wala pang nakakagawa nito sa'kin.

Nung araw na'yon, dumating ang katapat ng demonyong ito.

------------

/criiiing~ criiiiing~/

Nagising na ako galing sa nakaraan. Teka. Thursday pa lang. Papasok nanaman ako. Kung pwede lang na hindi na pumasok, wala naman na don yung gusto kong makita. Di na rin ako pumasok ng isang linggo pagkatapos nyang ilibing pero nagalit sa'kin si mommy, naiyak pa nga. Ayaw ko naman siyang nakikitang umiiyak, naaalala ko lang yung mga araw na durog na durog siya dahil sa pag lisan ni daddy.

Kaya ayan at pumasok na ako.

Nandito na kaming lahat sa classroom at maingay na hinihintay ang first subject teacher namin. Lahat sila ay nag tatawanan at masaya, ako lang ang hindi. Ako lang ang mag-isa dito sa isang gilid at naka earphone lang. Hindi naman sa wala akong kaibigan, pina distansya ko muna sila dahil baka sila lang mapag-buntungan ko ng sama ng loob ko.

"Nandyan na si sir!" sabi ng isa sa mga classmate ko. At dumating na nga si Mr. Adalid. Ang A.P teacher namin.

"Okay class, may iiwan ako sainyong activity dahil may meeting kami.. gumawa kayo ng isang sanaysay tungkol sa demand"

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon