Chapter 8

38 3 0
                                    

Napaka saya ko. Napaka saya ko talaga. Hindi sapat ang mga salita para i-describe yung sayang nararamdaman ko. Kami na ni Jessica sa wakas! This is the best birthday and Christmas gift ever. December 23 na ngayon, at mag-gogrocery kami ni mommy with Jessica for our Christmas noche buena and guess what? sasama din si tita Krystal, Jessica's mother. Napag-usapan kasi namin na doon kami mag cecelebrate ng christmas kila Jes with her family.

"Oh. Hi my dear" bati ni mommy kay Jess sabay beso. Close na agad sila kahit ngayong month lang sila nagkakilala and it's so amazing. "Hi po ms. Evans" bati naman pabalik ni Jess. Evans ang surname ni mom, 'yan na din ang ginamit ko after ng annulment nila ni dad. "tita na lang. Nako ang ganda-ganda mo talagang bata ka. Nai-imagine ko na yung magiging maganda at gwapo kong apo" biro ni mom. Wh-what?! apo agad? "hey mom! is it too early for that?" saway ko sa aking nanay. Well sometimes.. nai-imagine ko din na nag-papakasal kami, magkakaroon ng anak and build our own house. It's corny yeah, at handa pa akong magpaka-cheesy para sa mahal ko.

"Haaayy.. I'm so tired" sabi ko dahil sa sobrang pagod. Buong mag-hapon nag lalakad lang kami. Si mommy kung anu-ano pinamili, pati si Jess binilan niya ng mga dress. Well girls are girls. May iba kay Jessica ngayon, she seems more feminine today. Maybe because of my mom, baka naisip niya na ma-turn off si mommy sa kanya pag nag ala-boyish siya.

"MERRY CHRISTMAS!" at sumapit na ang kapaskuhan. Nandito kami ngayon sa bahay nila Jessica kasama ang mom and dad niya pati yung nakababata niyang kapatid na si Marvin. Ngayon ko pa lang makikilala ang dad nya, kinakabahan ako.

"So.. you are THE RAGE" nasa hapag kami at nakapangalumbaba ngayon si tito Micko habang nakatingin saakin ng seryoso. He's trying to read me... Kung anu-ano ang itinanong niya saakin. Hindi akong makapag salita dahil wala akong maisasagot sa mga tanong niya kaya si mom ang sumasalo ng mga tanong at ngumingiti na lang. "He is a nice guy dy, cute pa. Kumain na lang tayo" sabi ni tita Krystal kay tito Micko para matapos na ang pag i-interrogate niya saakin. "Okay.. let's eat!" yaya naman ni Jess. Kukuha na sana ng pagkain si Marvin nang "Ooppss! pray muna anak" sabi ni tita. At nag-dasal si tita para saamin. "Maraming salamat po sa mga biyayang ibinibigay niyo saamin" Ang simple lang ng mommy ni Jessica at maganda rin katulad niya. Hindi na nakakapag taka kung bakit ganyan kaganda si Jessica kahit hindi mag ayos. "maraming salamat din po dahil hindi niyo po kami pinababayaan lalo na po si Jessica. Maraming salamat po dahil hindi na siya nahihirapang huminga. Thank you for everything" Nagulat ako sa narinig ko kaya natabig ko ang baso sa lamesa at nabasag. "Sorry po" pag-papaumanhin ko. Hindi ko alam na may sakit si Jessica, wala siyang sinasabi saakin. "Ako na dyan" sabi ni tita Krystal at siya na ang nag ligpit. Tinulungan na din siya ni mommy kaya naiwan kami dito ni Jessica, Marvin at ng daddy ni Jessica. "Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kanya?" tanong ni tito kay Jessica. Nakatingin lang ako kay Jessica, hindi siya maka-tingin saakin. Nakatingin lang siya sa pagkaing nakahain sa harap namin. "H-hindi pa po.." nanginginig ang boses ni Jessica, halatang kinakabahan siya. "Now you know!" singit ni Marvin.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas sila mom, tita at tito. Nag-usap usap siguro sila. Naiwan kami nila Jess and Marvin dito sa loob ng bahay. "Why didn't you tell me about it?"nakaupo kami ngayon sa couch nila, magkatabi kami ni Marvin at nakaupo naman sa tapat namin si Jessica. "Sorry, sasabihin ko n-naman.. sorry talag-" hindi ko na siya pinatapos sasinabi niya at agad akong tumayo at niyakap siya. "It's okay, I understand" bulong ko sa kanya.

"Hey! let's play" yaya saakin ni Marvin, napangiti naman ako sa pag-yaya nya. "Play what?" tanong ko naman, "PS4, up there" at itinuro nya ang second floor kung saan naroon ang room nya. Kaya umakyat kami at nag ps4 gaya ng gusto ni Marvin. He's 12 years old. "Hey big sis! join us!" yaya niya naman kay Jessica na masaya lang na pinapanood kami. Someday tatawagin mo din akong big brother.

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon