Chapter 7

23 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ano pero tatlong buwan mahigit na akong nang-liligaw kay Jessica pero parang wala man lang improvement. Nagdaan na ang undas at December na ngayon, malapit na din mag Christmas. Hindi sa excited o ano pero wala talaga. Diba dapat mararamdaman mo kung may gusto din sa'yo ang isang tao base sa treatment niya saiyo? Wala man lang nag bago sa pakikitungo niya saakin. Pinapaasa lang ba niya ako o ano? Kasi kung oo kaya ko namang tumigil. Kaya kong kalimutan lahat ng mga effort na ginawa ko para sa kanya.

"Bro! kamusta na kayo ni Jess?" yan ang salubong saakin ni Bryan nung minsan ay maaga akong pumasok. Kaming dalawa pa lang non ang tao sa classroom. Maaga akong nagising at hindi na uli ako nakatulog kaya gumayak na lang ako para pumasok. Huminga ako ng malalim at inilagay ko muna ang aking bag sa aking upuan at saka umupo. "Ayon. Wala pa din" nagulat ako nang tumabi siya saakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at sinabing "Tiwala lang bro" saka niya tinapik ang aking likod at saka siya bumalik sa upuan niya sa likuran ko. Weird.

"Bro! aga natin ya!" 'yon ay si Ace. Late ako laging pumapasok pero hindi naman umaabot ng 15 mins. Pero minsan ay recess na ako pumapasok dahil sa sobrang aga kong gumgising. "Syempre bagong buhay na yan! Para daw kay ano.. sino yung magandang chick sa kabila? Sica? Jessica?" singit naman ng chismosang P.R.O namin na si Joanna. "Tigilan niyo nga ako" Naputol na ang kwentuhan dahil dumating na yung teacher namin sa A.P at nag discuss na ng lesson about sa GDP at GNP.

Nang nag recess na ay sabay sabay kaming kumain sa Cafeteria. Hindi na katulad dati na kasama namin sila Jess. Hindi ko alam pero parang naging cold na siya. Pero hindi na lang ako nag isip ng kung anu-ano dahil baka hectic lang ang schedule niya ngayon. Habang kumakain kami ay nakita namin ang barkada ni Jess na naka-tambay lang malapit dito sa cafeteria. Hinanap ko agad si Jessica at nakita ko siya sa gitna nila. Tumatawa lang sila at parang kinikilig pa yung bakla nyang kaibigan. Anong meron? "Excuse me guys. Iihi lang ako" pag papaalam ko sa kanila. Pero ang totoo ay pupuntahan ko sila Jess para malaman kung anong meron. "Ah. sama ako! naiihi na din ako" sabi ni Bryan. Nauna pa siyang tumayo saakin "Oh bakit? diba iihi ka din? tara na!" at hinila niya ako. "Hindi na pala ako iihi. Sige bilisan mo na lang. Hihintayin na lang kita dito sa tapat ng cr" sabi ko kay Bryan na nag mamadaling pumasok sa comfort room. Ano kayang meron at tuwang tuwa sila? Sa kakaisip ko ay di ko namalayang nasa harap ko na pala si Bry. "Huy! tara na sabi ko" kaya nag lakad na kami pabalik sa cafeteria. Nang malapit na kami ay huminto ako sa paglalakad. "Bakit?" tanong niya sa akin. Hindi ko din alam kung bakit "Curious ka ba sa kung anong ginagawa nila? gusto mong puntahan muna natin?" nagulat ako dahil alam niya yung kanina ko pa iniisip. Tumango na lang ako at pinuntahan namin yung pwesto kanina nila Jes. Nandoon pa din sila at nagkakaladyaan pa rin.

"So Jes, may pag asa ba talaga si Rage sa'yo?" nagulat ako sa tinanong ng kaibigan nya. Maging si Jessica ay nagulat din base sa raksyon nya. Nagka-tinginan kami ni Bryan sa narinig namin. Pinanglakihan lang niya ako ng mata at muling nag focus sa usapan nila Jessica. "Meron naman. Lahat naman merong pag asa. Ibahin niyo na nga yung topic ano ba yan!" Irita niyang sinabi at nag tawanan nanaman sila. May kung ano sa sinabi niya na nakapag pakirot sa puso ko. Hindi ko alam kung yung mga salita ba o yung paraan niya nang pagkaka sabi sa mga salitang iyon.

Lumipas ang mga araw at parang papalayo na siya nang papalayo saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Should I beg her to stay? or should I let her walk away? It's confusing. Lalo na sa sinabi saakin ni Bry saakin. "Bro, hindi naman masamang sumuko. Hindi naman lahat ng lumalaban ay nananalo. Mukhang wala talaga e. Kahapon, nakita ko si Jess may kasamang lalake na nakaakbay sa kanya." Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Should I stop this or try harder?

Moving OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon