Chapter 6

0 0 0
                                    

Rheena's Point Of View

"AKALA KO manonood ka sa'min nung sabado?" Napalingon ako kay Diah nang bigla niya itong itanong sa'kin.

"I-i did." Alanganing sagot ko. Pero naalala ko ang mga pictures and photos sa cellphone ko nang gabing 'yon kaya kinuha ko 'yon at biglang na-excite na ipakita sa kaniya.

"Look. I took a video of you guys, ang galing!" Hindi ko na napigilan ang sarili.

First time kong manood ng live mag-perform ang isang banda. Kaya naman nung gabing 'yon ay namamangha ako sa kanila. Diah was so cool doing tricks while playing drums, I was also amazed with Rio who can play guitar and Jillian has a wonderful and exquisite voice.

She nodded but stared at me. Reason why I suddenly felt self-conscious. "Pero hindi ka namin nakita."

Natigilan ako at hindi agad nakasagot. What should I say? Base sa kaniyang reaksyon ay parang nagsususpetiya siya sa'kin. Though wala naman akong ginawang kasalanan but then I have secrets and I don't want to be caught. Hindi ko alam kung sapat na ba ang panahon para pagkatiwalaan ko si Diah tungkol sa identity ko. Lalo pa't napapansin ko na tila kilang-kilala niya ang magkambal na Mercado. At... ayokong makarating agad kay Viel na ang nerd na nakakaharap niya ngayon ay may isang katauhan sa babaeng nakilala niya bilang Georgia. 

"N-nahihiya akong magpakita." Napayuko ako dahil hindi ko kayang makikipagtitigan sa kaniya. Sa sobrang talas ng pakiramdam ni Diah, baka mas lumakas ang suspetiya niya.

Dumating ang oras ng lunch time. Lalabas na sana kami ni Diah pero kinagulat ko ang pagtawag sa'kin ni Val. Nagkatinginan kami ni Diah. Ang reaksyon ko ay inosente at walang ka-ide-ideya kung bakit niya ako tinatawag, habang si Diah ay wala mang emosyon pero nagtatanong ang mga mata kung ano ang rason. 

Nang magtama ang paningin nila ni Val ay mabilis na umiwas si Diah at kalaunan ay nagkibit balikat at nagsabing hihintayin na lang niya ako sa labas ng room. 

"Can you... send the video to me?" Val asked. 

Napaawang ang labi ko dahil hindi ko pa agad na-gets kung anong tinutukoy niya. Pero nung nilingon niya si Diah na pasimpleng sumisilip dito sa loob ay doon ko lang nakuha ang gusto niya.

I can't help it but smiled. He's really interested to Diah. 

"Sure." Nakangiti kong sabi saka hindi nagdalawang isip ipasa sa kaniya ang photos and videos through airdrop.

"Diah didn't tell me the location. So, I wasn't able to watch her performance." He said while waiting. 

"I'll inform you next time." 

"Really? You'd do that?"

"Of course."

"Thank you Rheena." Val looked so happy and excited. 

Hindi ko alam kung bakit malamig at iwas ang trato ni Diah kay Val. I don't know their history, but I know it has a reason behind it. So I won't judge Diah like anyone does. But I'm curious about them, and somehow kinikilig ako sa kanila. Val is so persistent and exclusively kind and sweet only to Diah. But Diah is always trying her best to shoo him away. Though, her eyes... can never lie. 

Nagpalitan pa kami ng number ni Val bago ako tuluyang nakalabas ng room. Diah didn't ask me anything about it, as expected. Mukhang gusto naman niyang magtanong, pero dahil hindi niya 'yon ugali, mas pipiliin niyang kimkimin 'yon. Napangiti ako ng palihim, she's so cute. 

Sa mga sumunod na araw ay gano'n lang din ulit ang routine namin sa school. Ang pinagkaiba lang ay kasama namin ngayon si Val para sumabay mag-lunch. Diah refused at first, pero dahil nga sa persistent si Val ay wala na rin itong nagawa. Nakasunod na sa'min si Val kahit subukan niya pa itong paalisin. 

Until You Found MeWhere stories live. Discover now