(A/N: gotta change because gusto ko mabigyan ng pansin ang aking ibang characters at add details in the story po)
Ash POV
Tahimik akong nagd-drawing sa aking kama. Sabado rin namang ngayung araw kaya wala akong ginagawa. Tapos na rin ang lahat ng mga activities na pinadala saamin kaya happy, happy ako ngayun.
Napansin ko na tila pamilyar yatang tao ang iginuhit ko saking sketch pad. Pamilyar na taong kinaiinisan ng buong dugo ko!
Napakkuyom na lamang ako sa inis ng maalala ang mukha ni saltik. Magkasing mukha silang dalawa.
"Naiguhit ko pa talaga yung pangit na nilalang" Obviously hindi talaga totoo ang sinabi ko dahil kahit nakakainis sabihin.
"Bat kasi ang gwapo at ang sama mo ha!" Naiinis na sambit ko sa papel na sa aking harapan. "Sarap mong bugbugin, smack to the head!"
"Sayang eh kong mabait ka lang sana!" Kasabay nun ang paghampas ko sa papel, sinuntok-suntok ko din ito na para bang totoong tao ito. "Sana naging mabait ka nalang!"
Napatigil naman ako bigla nang may marinig akong katok sa aking pintuan. Nilagay ko naman balik sa aking kama ang drawing at Kaagad akong pumunta sa pintuan at binuksan doon.
Nakita ko naman si kuya Kyle na nakatayo, napansin ko rin ang towel sa kanyang balikat. "Po?" Tanong ko naman.
May ibinigay ito saakin na limang libong pera, sa sandaling iyun tatalon na sana ako sa saya sa pag aakalang saakin yun.
Peraaaaaaaaaaaaa!!!!
"Bili ka daw grocery sabi ni mama"
Nawala tuloy ang ngiti sa aking mukha dahilan para mapatawa ito ng mahina. "Yan assumera talaga pag pera kaharap" Sinamaan ko naman ng titig si kuya "expect lang po kasi ehhhhhh"
"Gusto mo bang samahan kita?" Tanong nito ngunit umiling na lamang ako. "Kaya ko naman po, mag b-bike na lamang ako"
Napatango na lamang ito sa sinabi ko at umalis na saaking harapan. Sinara ko naman ang pintuan at nagsimulang magbihis.
Nakaligo na rin naman ako kaya nag bihis na lamang ako ng pantalon, isang light blue na damit at shoulder bag. Syempre baka makita ako ng mga kaklase kong babae pala ako pag iba yung suot ko.
Nahulog na lamang ang panga ko nang matingnan ang rekplesyon sa salamin.
"Parang nainlab ako saking sarili!" Nagposing at nagpapogi pa ako ng ilang beses sa salamin bago tuluyang nagplanong umalis. "Pogiiiiiiii"
Lumabas na ako saking kwarto at tumungo sa kusina. Nakita ko Doon sina ni mama at kuya.
Napatigil na lamang ako nang makita kong gaano sila kasaya.
Kong gaano pinapakita ni mama ang pagmamahal nito kay kuya. Halata sa mga mata ni mama kong gaano niya ito kamahal.
Masakit man isipin para sa akin na kanyang totoong anak ay kailangan ko ring tanggappin.
Sana... sana dadating din ang araw na mamahalin ako ni mama ng ganyan
Nagtama ang mata naming tatlo. Nag iwan naman ako nang pilit na ngiti sa kanila bago tumalikod.
"Ma, kuya aalis na po ako" sambit ko bago umalis ng tuluyan.
Patuloy akong aasa sa pagmamahal ng isang ina. Yan rin ang dahilan kong bakit ko ibinago ang aking sarili.
Hindi ko na lamang pinansin ang aking iniisip at nagpilit ng isang ngiti.
Nagtungo ako sa garage at Doon nakita ko ang aking bike.
![](https://img.wattpad.com/cover/380395557-288-k276542.jpg)
YOU ARE READING
He's A She And Her Seven Bully
RomanceShe wanted to be accepted by the harsh reality of her mother so she change herself into a man. But suddenly she got caught up in a mess between her bullys and brother. Will she able to suvive them? or will she fall inlove and discover her forgotten...