Chapter three

1 1 0
                                    

Natapos ang pag-eexercise namin na walang imikan. Charot! Impossible yun. Kahit na introvert ako, marunong din ako makipag-usap kay Mike. Medyo irrational lang ako dahil ginawa kong big deal ang alaga nyang aso na si Bear.

First impression last? Hindi naman eh. Mabait si Mike kahit malakas na hanging amihan ang dala nya. Kahit na naiinis ako sa kayabangan nya ay maayos naman ang pakikitungo ko sa kanya. Mahirap na magsungit sa taong kakikilala mo pa lang.

Pero sa mga katagang binanggit nya kanina ay nagtaka ako. Na para bang matagal na namin kilala ang isa't-isa kahit na ngayong lang kami nakapag-usap dahil kalilipat lang ng pamilya namin sa lugar na'to.

"Di ka pa rin nagbabago"

Nagreplay ulit ang sinabi nya. Baka naman... Ah Ewan! Mahirap manghula!

"Una na ako Amor. Ingat ka pauwi" si Abby ay nagpapaalam na sa akin. Katatapos lang talaga naming magjogging. Hito nga, inihatid ko sya kasi malapit lang ang bahay niya. Ako maglalakad pa kasi di naman kami magkapit-bahay.

"Bye"

Papasok na sana si Abby sa gate pero pinigilan ko sya. May gusto ako malaman tungkol sa sinabi ni Mike.

Speaking of Mike, hmp. Iyong lalaking yun di man lang naisipang ihatid kami. Pero naintindihan ko naman kasi may biglang tumawag sa kanya nang pauwi na kami.

"Abby, saglit"

Lumingon sya. Nagtanong sya ng huh?

"May itatanong Sana ako? Kaya lang ..."

Nahihiya ako na ituloy. Kakikilala lang namin tapos assumera na ako. Tska nitong nakalipas na 3 buwan lang kami lumipat ng pamilya namin.

OK lang na siguro magtanong.

"Ano yun? Ikaw ha. Pasuspense ka. Pwede mo namang itanong sa akin. Pramis, di ako nangangagat. Haha"

Baliw ka talaga Abbygail Beth Chavez!

Tumawa ako na parang nang-iinis.

"Tatawa na ba ako?"

"Kung feel mo? Seriously, Amor. Manhid ka ba. Kita mo nang tirik na tirik ang araw eh Jan ka ba tumayo sa mainit"

Hay naku

Ramdam ko kanina pa habang naglalakad kami. Pero ang oh-ah nya. Quarter to seven pa lang.

Hindi na ako nagsalita at dumiretso na lang sa bahay nya,katapat ng pinto. Sumunod na lang sya sa akin at binuksan ang pinto.

Nakita ko yung pamilya nya na kumakain ng almusal. Nakita rin ako kaya ang ending ay napakain ako sa bahay nila.

Wala na. Di ko na naituloy yung itatanong ko. Mamaya na lang after kumain. Nakakapag-intay naman yun.

Habang kumakain ay tahimik ako. Pabebe pa ngumuya. Haler! Nandito si Tita at kapatid nyang bunso na si Charisse. Kinakausap naman nila ako pero nahihiya ako kahit na alam kong welcome ako sa bahay nila. Si Charisse ay nasa walong taon na ata. Tahimik lang syang kumakain.

A lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon