Caryl's POV
Ya ! Miss me? De joke lang! Haha:)
Andito pala ako sa room ko nag fa-facebook lang.. kahit nerd ako may facebook ako noh! Kaya lang puro panlalait ang natatanggap ko sa mga messages ko. Sanay naman ako eh.. Ummm.. May Pasok na pala bukas. Kung ang ibang student excited palagi for school ako hindi, kasi palagi na lng akong binubully, at nilalait.
Fast forward..
Andito na ko sa school. Pag pasok ko lahat ng tao nakatingin sakin at nakatawa pa. Alam ko naman kung bakit sila tumatawa eh... it's either may dinikit na naman silang papel na may kahit anu-anong sulat, o dahil ang pangit ko. Yumuko na lng ako ng biglang..
Boogsh!!!!!
"Araaay!" Sa kakayuko ko di ko alam na may nakabunggo na pala ako.
"Tanga ka ba? Hindi mo ba nakikita ang dinadaanan mo?"
"Matalino po ako at sorry po talaga."
"Pre mukhang pinipilosopo ka ni nerdy ha!" Sabi nung mukhang bamboo na buhay.. haha.. dejoke..
"Shit!" Ayun biglang umalis.. Kasalanan ko bang nilalait ako at wala akong confident sa sarili ko. Nevermind na nga tayo.. papunta na ko sa room so tumaas yung section .. so section star na ko.
Pagpasok ko.. lahat sila nakatingin sakin syempre nerd ako eh..
"I'm not surprise na dito section nya syempre nerd yan eh matalino."
"Yeah.. pero gosh classmate natin yan so kadiri!.. " ang aarte kala mo ang gaganda eh halos parang coloring book na yung mukha nila eh..
Pero teka san ako uupo nito? E halos wala na ngang extra chair. Nagsimula nang magtawanan ang mga new classmate ko nang biglang may pumasok na gwapo ay este lalaki pala. May dalang bangko.Kukunin ko na sana kaso bigla nyang binawa para pala dun sa maganda naming kaklase na kararating lang din. Mas lumakas pa ang mga tawa nila.
"Dito ka na lng miss."Sabi nung gwapo na nakaupo sa may dulo.
"Auh sure ka?""Kung ayaw mo edi wag!"
"Eto na nga uupo na." Umupo na ko dun sa sinasabi niya uupuan ko.
"Eh ikaw saan ka uupo?""It's none of your business."
"Okay?" Kala ko mabait yun pala hindi namn pala.
Pls. VOMENT
