Chapter 6: Deadly Weapons

56 2 0
                                    

Tss nakakatanga naman sina papa oh, binigyan pa ko ng susi eh password naman pala ang kailangan. Edi sana binigay nalang nila sakin ang password.

Kamot ulo kong pinuntahan yung screen, puro number lang ang nakalagay dun.

So san ako magsisimula?

Nag-isip ako ng mga numbers

Eh kung yung date kaya na nakita ko sa Floor Plan kanina?

"September 22,1999 pero number lang ang nandito, so magiging 92299" then pinindot ko yung enter

*Bzzt*
"You're password is wrong"

"Taray inglishera si ate"

Sinubukan Kong pagbalibaliktarin ang mga numbers pero..

*Bzzt*
"You're password is wrong"

Nag isip pa ko ng mga numbers or date ng events na pwede, pati nga yung kung kailan ako nagkaron nilagay ko na, but it end up with..

*Bzzt*
"You're password is wrong"

"Leche oo na! Kung sinasabi mo nalang kasi yung password eh diba? Edi hindi ka nagmukhang sirang plaka dyan! Kainis!" Pangaaway ko sa Nagsasalita

Tss baliw na talaga ako, pati ba naman Computer inaaway ko.

Kinuha ko yung susi sa bulsa ng Jeans ko, may limang butas ito, isa sa gitna at apat naman sa paligid nito, tapos may ulo ng ahas sa dulo ng isang bilog.

Naupo muna ako sa sahig katapat nungbpader na may screen, sumandal ako sa pader.

Ngayon Alam ko na kung bakit pamilyar na pamilyar ang simbolong ito sakin.

Dahil may tattoo nito si Mama at Papa sa likod. Nung dating tinanong ko kung bakit sila pareho ng tattoo kasi daw trip lang nila, pero ngayon alam ko na.
Masyado pa akong bata noon, kaya di ko nalang pinansin ang tungkol doon.

Tinapat ko sa isang mata ko ang mga butas sa susi. Nilalayo tapos nilalapit ko habang nakapikit ang isa kong mata. Nakatapat ito sa screen.

Napatigil ako nang magkaroon ako ng idea, muli kong tinapat ang hawakan ng susi sa mata ko, tapos binaligtad ko.

Agad akong lumapit sa screen, sinundan ko yung pattern ng susi, nasa ilalim yung ulo ng ahas tapos nasa taas naman yung pinakasusi nya.

May pattern na nabuo sa isip ko, limang numbers lang pwede dito which is yung limang bilog tapos yung ulo ng ahas bilang 'enter', ang pwede lang na number ay 2,6,8,4 at 5 then enter.

"2,6,8,4,5" enter

*Bzzt*
"You're password is wrong"

"6,8,4,2,5" enter

*Bzzt*
"You're password is wrong"

"8,4,2,6,5" enter

*Bzzt*
"You're password is wrong"

Napasabunot ako sa buhok, tsk hindi ako susuko dito.

Sinubukan ko ulit baligtarin

"4,2,6,8,5" enter

*Bzzt*
"You're password is wrong"

"Ah! Shit this!" Naiirita Kong sabi

Teka di ko nababaliktad yung 5

Sinubukan ko naman ang huling number na naisip ko.

"5,2,6,8,4" huminga ako ng malalim

Enter

*ting*
"You've got the right password"

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib

Bumukas into paitaas at automatic na bumukas ang mga ilaw sa loob

The Mafia Queen's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon