Chapter 11: Hubby and Wifey

21 1 0
                                    

Nag-umpisa na ang klase namin, nakakapanibago ngayong araw dahil walang gyera na nanggugulo sa araw araw ko.

Siguro kasi tinulugan ko sya ng kalahating araw, tss bahala sya.

Nakikinig lang ako sa Prof ko habang naglelecture sya, naka ilang ditch na ako ng class ko kaya kailangan kong bumawi ngayon. Kung hindi, lagot ang grade ko.

"Madison" tawag sakin nung kaklase kong babae na katabi ko

"Bakit?" tanong ko

Ngumiti dya sakin, "nakita ko kanina sa facebook yung picture nyong tatlo habang natutulog ah, haha ang cute nyong tignan" sabi nya

Naalala ko yung tungkol dun sa picture.

Napasimangot ako sa sinabi nya

"Masyado na bang maraming nakakita nun?" tanong ko sa kanya

"Oo naman, tignan mo mamaya sa fb. Tsaka teka lang. Kailan pa kayo naging close nila Harvey at Rackie? Sa pagkakaalam ko kasi, pili lang yung mga kinakaibigan nilang lalaki eh. Lalo na si Harvey, masungit sya tsaka snobber minsan. Sa bagay, maganda ka naman tsaka maapil, tsaka alam mo? Bagay kayo ni Harvey, pero bagay din kayo ni Rackie. Lagi ko nga kayong nakikita magkasama eh." tumigil sya tapos tumingin sakin ng diretso, "kayo ba? O nanliligaw ba sya sayo?" tanong nya

Ang daldal nya ah, andami nyang sinabi. Buti di masyadong malakas ang boses nya para marinig nung prof. Pero yung mga kaklase kong malapit sakin, nakaabang yung tenga na parang naghihintay sila sa sagot ko

Nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya.

"Hindi" sabi ko

Nakita ko naman yung iba na sumimangot na parang nalugi. Yung iba naman nag YES, parang nanalo ng Jackpot. Tss

Nakinig nalang ako sa prof ko at di ko na pinansin ang ibang reaksyon nila.

So ganun pala kasikat ang dalawang yun dito sa Campus. Naniniwala na ako sa sinasabi nilang fans nila, grabe ang OA.

"Class dismissed" sabi ng prof ko  matapos ang tatlong oras na pagtuturo

Dumiretso na ako sa locker ko, nakasalubong ko naman si Harvey

Sumabay sya sakin sa paglalakad

"Tapos na din ang klase mo?" tanong ko habang naglalakad kami

"Kanina pa" maikling sagot nya

Napalingon ako sa kanya, "bakit di ka pa umuuwi?" tanong ko

"Kasi pinapasabi sakin ni Rackie na hindi ka daw nya mahahatid kasi may kailangan pa syang asikasuhin, di ko alam kung ano. Kaya ako muna ang maghahatid sayo" nakangiting sabi nya

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya

Tumango-tango sya

"Ok, ikaw bahala" sabi ko

Pumunta na ako sa locker ko at kinuha yung mga gamit ko. Sumandal naman si Harvey sa tabi ng locker ko. Tapos tumingin sya sa relo nya

"3:30 palang naman eh," tinignan nya ako, "gala tayo?" nakangiting tanong nya sakin

Pumantig yung tenga ko nung sinabi nya ang word na 'Gala'. Agad ko namang sinarado yung pinto ng locker ko.

"San tayo?" agad na tanong ko sa kanya.

Kung di nyo alam, gala ako. Hindi ako tumatanggi kapag niyaya akong gumala. Pwera nalang sa mga hindi ko kakilala no, hindi ako tanga para magpa uto.

"Enchanted kingdom tayo" sabi nya

"Tara" hinigit ko na sya papuntang parking lot. Nakita ko naman syang napangiti kaya napangiti narin ako.

The Mafia Queen's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon