Chapter 8: Meeting my killer

46 3 0
                                    

Kami ang nauna ni Rackie sa Cafeteria, nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga alam naming Armas. Marunong din pala sya sa baril dahil tinuruan na sya ng Daddy nya noong 15 years old palang sya. Mahilig din sya sa swords, kaya nagkakasundo kami.

Maya maya din ay dumating na yung mga kaibigan ni Rackie, kasunod lang nila yung tatlo.

"Sorry Mads, antagal kasi nitong si Steff eh, madyadong nagpapaganda" sabi ni Jackie tapos umupo sa tabi ko, sumunod naman si Yannie sa kanya

"Grabe naman kayo, eh madaling madali na nga ako kanina eh" angal naman ni Steff tapos umupo na sya sa tabi ni Yannie

Katapat ko si Rackie, at dahil madyado kaming marami para sa isang table, kaya pinagdugtong nila yung isa pang table sa table namin kaya humaba. Katabi naman ni Rackie yung Harvey.

"Ako na ang mag-oorder ng mga foods, ano gusto nyo girls?" presinta nung isa sa kanila

Binigay namin yung mga order namin sa kanya, tinulungan naman sya nung isa pa nilang kaibigan

"Nga pala girls, eto nga pala si Harvey. Madison, sya yung nakabangga sayo last time." pakilala ni Rackie sa kaibigan nya

"Eto naman, si Lawrence. Si Gray, tapos yung dalawang umorder, Si Jin naman yun tsaka si Ran. Lawrence, Gray, sila si Madison, Jackie, Yannie At Steff" pagpapakilala nya sa aming lahat, tumango lang kami sa isa't-isa.

Dumating naman agad yung dalawa kaya nakakain na kaming lahat.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang may papel na hinagis sa tabi ko, nasa dulo ako ng table kaya na nakita ko agad.

Scrath paper lang sya tapos nakalukot, pinulot ko yun. May note sa loob

"Ano yan?" tanong ni Rackie sakin

"Ewan biglang may naghagis eh" sabi ko sa kanya

Binasa ko yun

'Being friends with the Gangsters?'

nakasulat sya sa Red pentelpen kung di ako nagkakamali

Napakunot ang noo ko, Gangsters? Sino? Itong mga lalaking kasama ko?

Napatingin ako sa mga lalaki pati narin kay Rackie, nakatingin din silang lahat sa akin

"Bakit anong nakasulat?" tanong ni Rackie sabay hablot sakin nung papel

Napalingon naman ako sa paligid ko, tapos may nakita akong babae na nakaupo sa isa sa mga table habang nakatingin sakin ng malamig.

Napababa ang tingin ko sa binti nya, sobrang ikli ng palda at kung hindi ako nagkakamali 3 inches above the knee ang suot nyang palda.

At nagulat ako nang makitang may suot din syang belt na katulad ng suot ko. Kita yung belt dahil nakaupo nga sya.

Napatingin ako kay Rackie na nakatingin na rin sakin.

"Guys what's the problem?" tanong ni Steff

"Oo nga bro, bakit ganyan ang tinhin nyo sa isa't-isa? Ano bang nakasulat sa papel na yan?" tanong ni Gray

"Ah wala, may nangtitrip lang siguro sa kanya, wala to" palusot ni Rackie sabay lukot ng papel

Kita naman kay Harvey na hindi sya naniniwala sa sinasabi ni Rackie

"Ah haha oo nga, marami kasing nantitrip ngayon eh" sabi ko nalang

"Really? Andami ngang nangtitrip ngayon eh, kasi kanina nung nagCR ako nakita ko yung mga estudyante na nagkukumpulan sa labas ng Girls CR, nung pumasok ako nakita ko yung salamin na may nakasulat na dugo, di ko alam kung totoong dugo yun, pero nakakatakot talaga. Tapos nakasulat doon to M.E.R. Ewan ko lang pero diba parang Initials ng pangalan mo yun Madison? Madison Eli Rouche" kwento ni Yannie

The Mafia Queen's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon