Umalis na yung iba, yung tatlong babae at si Rackie nalang ang natira. Si kuya Drew at kuya Rick naman di na bumalik mula kaninang naghabulan silaTinext lang nila ako na may pupuntahan lang sila.
"So, may alam ka din dito Rackie?" tanong ni Steff
"Oo nga, tsaka can you explain to us what was just happened? At kung sino talaga yung babaeng yun na pagkakatanda ko ay Kiera ang pangalan" sabi naman ni Jackie
"At kung bakit nya gustong patayin si Madison" sabi naman ni Yannie
Nakaupo lang si Rackie sa upuan sa tabi ng kama ko katabi ni Jackie tapos yung dalawa naman nakaupo sa kama ko
"I don't think, magugustuhan nyo ang mga gusto nyong malaman" sabi ko nalang
"So sa tingin mo ba nagustuhan namin ang nangyari sa amin kanina?" inis na tanong ni Steff
Tumingin ako kay Rackie na nakatingin lang din sa akin. Tinignan ko sya na nagtatanong ng What-to-do look
"At wag nyong sasabihin na ayaw nyo kaming madamay dahil nadamay na kami dito" dagdag naman ni Jackie
"At para san yung nakita naming baril at kutsilyo sa legs mo kanina" tanong naman ni Yannie
Nagulat ako sa sinabi nya pati narin si Rackie. Nakalimutan ko yung tungkol dun ah
"Nasan na?" tanong ko
"Nasa kotse mo na, tinago muna namin dun" sabi naman ni Jackie
"Kapag ba sinabi namin sa inyo ipagsasabi nyo sa iba?" tanong ni Rackie
Nagulat ako sa sinabi nya
"No! We can keep it as a secret, you can trust us. Just please, gusto lang namin masagot yung mga katanungan namin" sabi naman ni Steff sumang-ayon naman yung dalawa
Huminga ng malalim si Rackie
"Okay, we are one of the Mafia member. Actually si Mads ang magmamana ng pwesto ng mama nya as a Mafia Queen kaya maraming gustong pumatay sa kanya mula pagkabata palang nya. Isang malaking banta sa kanila si Madison kaya kailangan nila syang patayin. At yung babaeng sinasabi nyo kanina. She's one of the Mafia too pero sa kalabang Organisasyon sya" paliwanag ni Rackie
Napanganga nalang silang tatlo sa sinabi ni Rackie tapos napatingin sila sa akin
"I told you, hindi nyo magugustuhan ang gusto nyong masagot. Pwede na kayong lumayo sakin ngayon palang kung mahal nyo pa ang buhay nyo" sabi ko
Binatukan ako ni Steff
"Sino ang nagsabi sayong pwede mo nalang kaming tabuyin palayo sayo? Kaibigan ka namin kaya hindi kami lalayo sayo naiintindihan mo yun?? Oo mahal pa namin ang buhay namin pero mahal ka din naming gaga ka!" sabi ni Steff
"Oo nga, nagulat lang kami sa nalaman namin no." sabi naman ni Jackie
"Hindi kayo natatakot sakin? Hindi kayo natatakot dahil isa sa mga Mafia ang kaibigan nyo?" tanong sa kanila
"Hindi, hindi mo naman kami papatayin diba?" tanong naman ni Yannie
"Hindi, pero hindi dapat kayo madamay sa gulo ng Mafia, wala kayong laban sa kanila" sabi ko
"Tama si Mads, nangako kami sa isa't-isa na hindi namin kayo idadamay dito" sabi naman ni Rackie
And two promises has broken
"I don't care, kaibigan namin kayo kaya hindi namin kayo lalayuan" Steff
Tumango si Yannie at Jackie sa sinabi ni Steff
BINABASA MO ANG
The Mafia Queen's Revenge
AcciónMafia Series #1 : How far would you go to avenge for your beloved ones? POWER is everything and so she have it. But one rule must be kept in mind . TRUST.NO.ONE.OR.YOU.WILL.DIE. •BLINKKITTY