CHAPTER 4

6 0 0
                                        

Sa sobrang gulat ko, napatayo ako bigla at napatigil sa pag iyak. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sakin. Pinunasan ko yung luha ko at tumungo.

"Lagi mo nalang ba ipapahamak ang sarili mo?!" Sa tono ng pananalita nya, alam kong galit sya. Bakit nga ba sa twing napapahamak ako nanjan sya? Hindi ako makatingin ng deretcho. Rinig kong nagbuntong hininga sya.

"Tss! Halika na nga! Ihahatid na kita sa inyo. Baka kung mapano ka pa ulit."

Nagulat ako nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi lang basta hawak... Parang yung intertwined? Hindi ako makapag isip ng ayos. Totoo ba to? Hawak ko ang kamay ni Troy? Hindi parin nag sisink in sakin lahat ng nangyayari. Nakatingin lang ako sa kamay namang dalawa kaya hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

Magkahawak parin kami ng kamay kaya napatingin ako sa kanya. Siguro ngayon nya lang din napansin kaya napabitaw sya at tumingin sa ibang direksyon.

"Sa.. Salamat" nakayukong sabi ko. Nakakahiya kasi baka makita nyang namumula na ko.

"W-wala yun. Ibig kong sabihin, sa susunod kasi wag ka nang magpapagabi!  Kaya ka napapahamak eh." hindi ko naman sya masisisi kung galit sya.

"So-sorry. Sorry talaga" naglakad na ko papasok ng gate.

"Teka lang miss---"

"Georgina. Georgina ang pangalan ko" at ngumiti ako sa kanya. Nagkamot sya ng batok, yung parang nahihiya.

"Amm, anu.. George---Georgina sa susunod mag iingat ka na ha. A--sige!  Una na ko" Tumango ako at ngumiti sa kanya, nagulat ako nung ngumiti din sya. Ang tagal na pala nung huli kong makita ang mga ngiting yun. At tuluyan na syang umalis.

******

Hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan yung mga nangyare kagabi. Parang panaginip lang ang lahat. Iba pala yung feeling pag kasama mo yung taong mahal mo, tapos hawak nyo pa ang kamay ng isat isa. Hindi tuloy maalis yung mga ngiti ko.

"Hello Earth. Hello Georgeeeee~ Yuhooo" nagulat ako nang bumulaga sakin si Kate at ngumiti sakin ng nakakaloko.

"Hoy, Georgina kanina ka pa nakatulala, nakatingin sa malayo. Parang may iniisip tapos naka ngiti ka pa. Aba anung meron?" kinindatan nya ko at kiniliti.

"Share naman"

"Ano ka ba, wala to" tanggi ko.

"Wala daw eh ibang iba ang aura mo ngayon. Saka hmm" nakapamewang na sabi nya.

"Blooming ka today! Oo tama! Blooming ka, in love ka no?!" pang aasar nya sakin.

"H-hindi kaya. Wala to!"

"Hindi daw. Sinungaling! Ayan oh, kitang kita, nagba blush ka! Ayieeeh"

"Hindi talaga Kate. Wala lang to. Wala pa kong panahon sa ganyan."

"Hmpft! Hindi na nga kita pipilitin, basta pag handa ka na magkwento makikinig ako:))"

Aaminin ko kahit best friend ko si Kate pagdating sa mga ganitong bagay hindi ko sinasabi sa kanya. Hindi palang siguro ako handa na aminin sa ibang tao kung sino yung mahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vandals on heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon