CHAPTER 1

16 1 0
                                        

*****

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makabunggo ko si Troy at ang makipag sulatan dun sa pader. Oo tama kayo.

Inenjoy ko na ang pakikipagsulatan kay Mr. Vandal sa pader ,kahit na alam kong vandalism yun. And to my surprise tinawag nya kong Ms. Vandal.

*FLASHBACK* 1 week ago

*Hahaha ganun ba. Kung ako si Mr.Vandal ,edi ikaw naman si Ms. Vandal :D*

*Anung Ms. Vandal?? Ikaw lang naman ang nagba-vandal dito eh!*

*So hindi pala pagba-vandal ang tawag mo dito? haha xD*

*END OF FLASHBACK*

3 days na kong di nakakapunta ulit sa park, masyado kasing maraming problema sa bahay. At sa totoo lang namiss ko nang magsulat ulit sa pader. Nakakatuwa lang kasi na kada reply ko,kinabukasan may reply na din sya.

At eto nga ,kusa akong dinadala ng mga paa ko papunta sa park. Pagkadating na pagkadating ko sa park tinignan ko agad ang pader.

*Oy Ms. Vandal? Hindi ka nagpunta ng park kahapon?*

*Ms. Vandal, ok ka lang ba? Hinihintay ko yung reply mo :) *

*Hmmm, kamusta ka na kaya? Babalik ka pa ba :( *

Ewan ko pero napangiti ako sa nabasa ko ibig sabihin araw araw syang pumupunta dito para i-check kung nagreply na ko sa sulat nya.

Kaya dali dali kong kinuha ang pentel ko at nagsulat.

*Pasensya na Mr. Vandal marami lang talaga akong iniisip nitong mga nakaraang araw. Wag kang mag alala Ok lang naman ako. Saka ayos lang ako.Ikaw? Kamusta ka na :)) ?*

Napatingin ako sa pader,medyo madami na din pala itong nasusulat namin. Kawawang pader.

*****

Naupo ako sa bench ,yung kalimitang tambayan namin ni Kate. Naalala ko naman si Troy. Tandang tana ko pa nung unang beses ko syang nakita at unang beses nya rin akong niligtas. Ako kaya tanda nya pa?

*FLASHBACK* 3 years ago

"Georgiii samahan mo naman ako sa Cr ^.^" sabi ni Kate

"Ah side ,tara"

Pagdating namin sa CR, sinara agad ni Kate ang pinto. Naalala ko may nalock na nga pala dito sa CR.

"Kate! Bat mo sinara? Baka ma-lock din tayo." pag-aalalang sabi ko, habang sya naman nasa isang cubicle na.

"Ano ka ba Georgi, hindi yan!" nakangiting sabi nya na parang ina-aasure akong hindi kami mala-lock

lumabas na si Kate sa cubicle,saktong nag bell, ibig sabihin uwian na. Binuksan ko na ang pinto pero...

"KAte! Ayaw bumukas!"

"Huh? Seryoso ka?"

"Oo! Muka ba kong nagjo-joke?!"

Nagsimula ng umiyak si Kate at umupo sa isang sulok. Ako naman ,naiiyak na din tapos naalala ko uwian na nga pala. Mas lalo tuloy akong naiiyak kasi baka wala ng tumulong samin.

"Tulong ! tulungan nyo po kami! Parang awa nyo na!" Sigaw ko habang sinisipa sipa ang pinto,nagbabakasakaling magbukas. Pero useless kasi wala namang nangyayari kaya tumigil na ko.

Nang may biglang nagsalita sa kabilang part ng pinto.

"Hello? nanjan ka pa ba?" napatigil ako sa pag iyak

"Oo tulungan mo kami! Na-lock kami dito sa loob!"

"Ok sige, wag kang mag alala..."

Narinig kong sinisipa nya yung pinto. Tapos narinig kong tumakbo na sya palayo. Nawala na yung ingay. Siguro umalis na sya kasi hindi nya kami kayang tulungan. Napaupo ulit ako.

"Maya maya pa may narinig akong ingay a bintana. Isang lalaki. Isang lalaking ngayon ko lang nakita. Dito kaya sya pumapasok? Siguro kasi nasa loob sya ng school namin at katulad sya ng uniform namin. Nagkatinginan kami. Umakyat sya sa bintana. Inilusot nya ang dalawang paa nya sa maliit na butas at pinipilit na ipasok ang sarili nya. Lumapit ako sa kanya at tinulak ko sya palabas.

"Kuya! Wag mo na pong ipilit na ipasok ang sarili mo jan. Hindi po kayo magkakasya. Masasaktan lang po kayo." Nag aalalang sabi ko

Sumunod naman sya sa sinabi ko. Nagkatinginan ulit kami.

"Miss wag ka nang umiyak. Akong bahala sayo.Ililigtas kita. Promise, ilalabas kita jan" ngumiti sya sakin.

Sa sinabi nyang yun , I feel safe and secure. Naalala ko bigla si Kate sa cubicle.

"Kate! Kate! Wag ka ng umiyak, makakalabas na tayo!"

Narinig ko na dumami na yung tao sa labas. At unti-unting nabuksan ang pinto. Niyakap ko si Kate at lumabas na kami sa CR

Nakita ko sya, nakatingin samin. Ang ganda ng mga mata nya kahit sa malayo, ngumiti sya na para bang sinasabi na "Ligtas ka na"

Nung mga panahong yun alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya.

"Troy! Superhero ka na pala ha!" sabi nung isang katabi nya sabay akbay sa kanya at tumingin samin sabay ngiti.

Troy...Troy pala ang pangalan nya. Ang pangalan ng taong nagligtas samin :)

*END OF FLASHBACK*

Napapangiti ako sa twing naaalala ko yun . Sa dinami-dami ng pwedeng magligtas samin si Troy pa. Kung hindi kaya kami niligtas ni Troy, anu kayang nangyare samin...

Napatigil ako sa pag-iisip ng may narinig akong kaluslos napatingin ako sa paligid. Hinanap ko ang ingay ng may biglang lumabas na ---

"Sus , pusa lang pala. Akala ko tuloy kung anu na"

Pagkatapos nun, umalis na rin ako.

******

Pag dating ko sa bahay naabutan kong nag aaway na naman si Mama at Papa. Hindi naman na to bago sakin kasi lagi naman silang nag aaway. Kung hindi naman sila nag aaway parehas silang wala. Si kuya naman minsan lang umuwi at kung uuwi man palaging lasing. Sabi ni papa may lalaki daw si mama pero hindi ako naniniwala kasi alam ko kung gaano kamahal ni mama si papa. Pero ngayon hindi ko na alam ang totoo sa hindi, hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan. Ayoko na rin masyadong mag isip. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak.

Vandals on heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon