CHAPTER 3

5 0 0
                                    

"Hoy anung ginagawa mo jan?! " sigaw ko. Nagulat siguro sya at nagmamadaling tumakbo, sinundan ko sya, nakita kong may nalaglag sa kanya kaya pinulot ko. Isang pentel pen. Napatingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling nandun pa sya. Hindi kaya, sya si Mr vandal? Hindi naman imposible kasi may pentel sya. Sayang naman hindi ko sya nakita.

Tiningnan ko kagad ang reply nya.

*Ayos lang din naman ako. Akala ko kasi hindi ka na babalik. Parehas pala tayo marami din akong iniisip. Lalo na't may problema sa bahay ngayon.

P.s. basta wag mong kakalimutang ngumiti mas bagay kasi sayo yun :)*

Hindi ko alam pero kinutuban ako ako sa nabasa ko. Lumingon lingon ako sa paligid. Tinitingnan nya kaya ako sa malayo? Nakita nya na kaya ako? Ang unfair naman kasi sya hindi ko pa nakikita.

*Talaga? May problema din kayo sa bahay? Kami rin. Naghiwalay na yung mama at papa ko. At wala man lang nakakaintindi sakin. Teka... Ikaw ba yung naka hood kanina? Sayang naman at hindi kita nakita.

Mr. Vandals wag kang mag alala magiging okay din ang lahat :))*

Pagkatapos kong magsulat hindi muna ako umuwi sa bahay, sa totoo lang ayoko pa talagang umuwi kaya magpapagabi nalang muna ako dito.

Sa gilid ng isang malaking puno, ngayon ko lang nakita ang duyan na nakasabit don. Muka naman syang matibay at malinis. May gumagamit kaya nito? Pinagmasdan ko ang lugar, wala naman sigurong masama kung gagamitin ko to diba? Nagduyan lang ako ng nagduyan, ang sarap sa pakiramdam. Napaka kalma ng paligid. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.

******

Pagmulat ko, gabi na pala. Napatingin ako sa relo ko, mag aalas otso na pala. Dali dali akong naglakad dahil bukod sa gabi na, nakakatakot na rin. Ngayon lang ako inabot ng ganito kadilim wala pang street lights tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa daan.

Habang naglalakad ako sa daan...

"grrr.. grrrr.. grr" napatigil ako ako sa paglalakad. May aso na sumusunod sakin at mukang galit na galit syang nakatingin sakin palapit ng palapit, na stuck na ko sa kinatatayuan ko. Biggest fear ko ang mga aso.

Napa atras ako kasi feeling ko kakagatin nya na ko.

"aw aw aw!! grrrr" at tuluyan na nga syang tumakbo palapit sakin napapikit nalang ako...

5,6,7,8,9 seconds, 10... Pero wala pa din. May narinig akong ingay galing sa likod ko. "Shooo!"

Pagmulat ko nakita kong papalayo na yung aso. Napaupo nalang ako at mas lalong naiyak. Akala ko talaga malalapa na ko.

"Ano bang naiisip mo at nagpapagabi ka ng uwi?"

Vandals on heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon