Kung hindi lang siguro ako natakot ng mga panahong yun ... Kung hindi lang siguro ako tumakbo palayo.. Siguro ... Siguro nandito pa sya, nandito pa ang taong mahal ko...
*****
2 years , 2 years na pala ang nakakalipas simula ng mawala ka pero parang kahapon lang; parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa nakalipas na dalawang taon , sinubukan ko naman eh ,sinubukan kong maging masaya , sinubukan kong makalimutan ka. Pero hindi ko pala kaya . Mahal parin kita ,mahal na mahal. Na hanggang ngayon wala patring nagbabago sa nararamdaman ko sayo,kaya siguro hindi ko parin kayang patawarin ang sarili ko.Kung hindi lang siguro ako natakot ng mga panahong yun ... Kung hindi lang siguro ako tumakbo palayo.. Siguro ... Siguro nandito pa sya, nandito pa ang taong mahal ko...
FLASHBACKS(2 years ago)
"George ,tara uwi na tayo" Sabay tayo sa kinauupuan nya at sinakbit ang bag sa likod nya
"maya maya na Kate,maaga pa naman." sabi ko habang nakatingin sa kawalan
"Anung maaga? Magpo-four na kaya! Uwi na tayo" pagmamaktol nya sabay simangot.
"Hahaha. Tumigil ka nga Kate,para kang bata. Hindi bagay sayo ang sumimangot ,papangit ka nyan" tumatawang sabi ko
"Hoy! Georgina Clet ,tigilan mo ko! At umuwi na tayo!Marami pa tayong assignments na gagawin"
"Tinatamad pa kong umuwi eh"
"Hindi parin ba OK sa bahay nyo??"nag aalalang sabi nya. Umiling ako sabay tungo
"*sighs* Hay nako, OK lang yan bestfriend ! Tiwala lang maaayos din lahat ng yan , OK :) ?" Napatingin ako sa kanya ,ngumiti ako at niyakap ko sya.
"Oo naman! Alam ko maaayos din to" nakangiting sabi ko
"So,paano ? Una na ko ha."Tumango lang ako
"Basta kung may kaylangan ka ,nasa bulsa mo lang ako"Sabi nya
"Huh??"nagtatakang sagot ko
"I mean ,isang text lang dadating agad ako:))) Oh sya sige una na ko, ingat ka ha!"
Pinanuod ko sya habang unti unting naglalakad palayo... Naiwan na naman ako mag isa . Hindi na naman ito bago sakin. Parati naman talaga akong naiiwan.Kung nagtataka kayo kung sino ako, ako nga pala si Georgina Clet,bunso akong anak. Dalawa lang naman kaming magkapatid ng kuya ko.At yung kasama ko kanina, si Kate Clemente, bestfriend ko.Wala naman kasing interesting sa buhay ko kaya hindi nalang ako magku-kwento.
Nasa Park nga pala ako ngayon,ito ang paborito kong tambayan lalo na't gusto kong mapag isa. Hindi kasi ito katulad ng ibang parks na madaming tao,kaya tahimik dito.Kung ilalarawan ko ang park na ito,meron lang itong mga puno at halaman,may bench ,fountain sa gitna at sa gilid ay may puting pader na sa tingin ko eh babagong pintura pa lang.
Tumayo ako at naglakad lakad. Pinagmasdan ko ang paligid ,walang katao tao. Wala ka ring maririnig na kahit na ano bukod sa ihip ng hangin at mga kuliglig.Hindi ko alam pero pumunta ako sa puting pader ,mabuti naman at pininturahan na nila ang dami na kasi nitong vandals dati. Habang pinagmamasdan ko ang pader may nakita akong nakasulat
*I'll be HAPPY :)) : Mr. Vandal*
Anubayan?? kakapintura palang may nagvandal na ka agad!Hinanap ko ang correction pen ko pero imbes na yun ang makita ko ,pentel pen ang nahanap ko.
"pagbinura ko naman ito gamit ang pentel mas lalong dudumi" Sabi ko sa sarili ko. Balak ko na sanang umalis at hayaan ang vandal na yun pero...
*Hoy Mister! Bawal mag Vandal dito!*