CHAPTER 2

7 0 0
                                    

*****

Nagising ako ng madaling araw,maingay sa salas namin kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita ko na may dalawang maleta sa labas ng bahay.

Nakita kong umiiyak si mama, samantalang si papa naman hawak ang kamay ni mama, parang nagmamakaawa sya at pinipigilan nya tong umalis. Naramdaman kong basa na ang pisngi ko, umiiyak na naman pala ako. Ito lang naman kasi ang alam kong gawin eh, ang umiiyak.

Niyakap nya si papa, nagkatinginan kami.Gusto ko syang yakapin at sabihing wag na syang umalis, pero wala akong magawa. Inalis na nya ang pagkakayakap sa kanya ni papa at tuluyan na kaming tinalikuran. Ganito nalang ba palagi? Parati kaming naiiwan?

*******

Sa sobrang depressed ko dahil sa nangyari kanina hindi ko na nagawa pang pumasok. Nagpalit ako nang damit at lumabas ng bahay. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa inabot na ko ng hapon.

Park lang ang naiisip kong puntahan. Gusto ko munang kalimutan lahat ng to.

Habang naglalakad ako papuntang park naalala ko wala nga pala kong dalang pentel pero hindi na ko nagbalak pang bumalik ng bahay.

Nung malapit na ko sa park may nakita akong tao sa gilid ng pader. Sa form ng katawan nya masasabi mong lalaki sya kahit naka hood. Hindi ko alam pero tinawag ko sya.

Vandals on heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon