// unexpected //

2.2K 105 12
                                    

Nakaupo ako sa isang bench habang nakatitig sa dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin.



Nakatitig ako sa kawalan nang may naramdaman akong may tumabi sa akin.



Hindi ko na lang sya pinansin.



"Ang ganda ng dagat no?", bigla nyang sabi.

Napalingon ako sa kanya.

Napatitig ako sa leeg nya.

Tattoo



Isang tattoo na gustong-gusto kong halikan...hanggang ngayon.



"Vi- mother horse.."

Napatingin sya sa akin at ngumiti.

"May nakakaalala pa pala sa akin.."

Ilang taon na ba ang lumipas simula nung wala na sya sa showbiz? 3? 4?

Di ko na maalala.

Ang tanging naaalala ko lang ay yung sakit na naramdaman ko nung sinabi nyang aalis na sya.

Iniwan nya kami..ako.

Alam kong para sa ikabubuti nya yun pero masakit eh. Paano na ako? Kami? Ang Vicerylle?

"Akala ko wala na akong babalikan..o meron pa ba?", sabi nya.

Nginitian ko sya. "Meron pa naman eh. Naghintay kami. Nagbakasakaling babalik ka. Oo merong bumitaw, meron ding kumapit. Ako. Ako meme, naghintay ako. Kasi...ka..kasi alam kong babalikan mo kami. Mahal mo kami diba?"

He wiped my tears. Hindi ko naramdamang umiiyak na pala ako.

"Thank you. Thank you for staying. Sorry for the wait..am I worth the wait?"

"Yes. Yes of course."

He kissed my temple and smile. "I love you my little pony..I love you anak."

"Saan ka galing? Ba-bakit? Bakit ka umalis?

Binalik nya ang tingin nya sa dagat and sighed.

"Kailangan kong mag-isip isip. Walang-wala ako nun. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako yun. Yung masayahing Vice? Wala na. Kaya..kaya hinanap ko muna ang sarili ko. Pumunta ng ibang bansa. Nagsimula ulit.", bigla syang tumigil at ngumiti.

"At nagkita kami. Nakita ko ang magpapasaya sa akin. Isang taon at tatlong buwan ako sa Canada nun nung nakita ko sya. Ang ganda nya parin.."

Napatigil ako. Maganda? "Babae?"

Tumango sya.

"Daddyyyyyyy!!", napatingin ako sa batang babaeng yumayakap kay Vice ngayon.

"Ang ganda nya no? Mana sa ina nya.."

May nakaconvert pala kay Viceral. Akalain nyo yun? Paano na ang Vicerylle? Aray ko bhe.

"Kamukha ni Karylle", sht nasabi ko. Akala ko iniisip ko lang yun eh.

Ngumiti sya at sinuklay ang buhok ng bata gamit ang kamay nya.

"Oo nga eh."

"Huy!"

Napalingon naman kami sa taong tumawag kay Vice.

"Andito ka lang pala! I was calling you kanina pa but then you didn't answer it."

"Sorry. Nakasilent kasi eh.", sabi ni Vice at kinamot nya ang batok nya.

Napatingin naman sa akin ang taong kausap nya. "Hi!", sabi nito sa akin.











"He-hello...mom.."



Ngumiti sya. "Ay oh! Pa, may Vicerylle baby pa pala hehehe"

Ang kyot nya parin.

Hindi ko na kinaya ang nangyayari. Para akong nananaginip. Hindi ako makahinga.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtweet.









// Vicerylle is real! Adjhlgorkslcld //



Tweet sent.

Our Point Of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon