// changes //

663 45 5
                                    


BABALA: SOBRANG WALEY.






Sabi nila, the only thing in the world that is constant is change. Lahat nagbabago- mukha, edad, height, weight...feelings.


At sa mga pagbabagong yun, isa lang ang ayaw ko.


Ang makita ang mga kapatid ko na inaaway ang dati nilang fandom-- ang ViceRylle fandom.



Nakakatawa? konti.

Masakit? sobra.

Nakakalungkot? oo naman.


Lumipat na kasi sila ng fandom. Fandom ng isang love team na katapat ng showtime. Alam kong kilala nyo to.


Nakakatawa lang kasi sa ilang taong nagsama, nakayanan nilang mang-iwan. Mas nakakatawa pa, 2020 na pero nang-aaway parin sila. Oo, limang taon na ang lumipas. Pero wala namang nagbago...wala talaga.


"ano ba kayo?!? wala na yang love tem nyo!! laos na yan!!"

"lipat na lang kayo!! bwhwhwhw"

"tangna nyo..dream on.."



Gusto kong matawa. Actually, natatawa na ko. Duuh.


Sino bang hindi matatawa? Eh maski ang love team na sinusuportahan ng mga bashers, laos na. Okay, choose love. (pero totoo naman lols)


Pero sa ilang taon ang lumipas, nanatili ako. Inactive sa twitter? oo. Tahimik na kasi ang tl ko. May kanya-kanya ng buhay ang mga kapatid ko. Mukhang nakalimot na ata.


Napalingon ako sa isang picture frame sa kwarto. Isang larawan na puno ng ala-ala. Vicerylle's fourth kiss..Karceral's first kiss. Ang kiss na nagpagulantang sa mga tao. Ang kiss na nagpakilig sa akin ng todo.


Mangyayari pa ba kaya ulit to? Sana. Wala naman sigurong masama kung aasa ako. Nasanay na naman na ako sa hopia. Ngayon pa ba ako mauumay?



~Kung inaakala mong ang pag-ibig koy magbabago~


Napalingon ako sa tv.


Nagbalik lahat ng ala-ala.


Isang kanta-- kantang nagpakilig sa maraming tao.



May lumabas na mga salita.



Next month, we wed.


And a new chapter begins.



VK will tie a knot.




Napaluha ako at napatili sa kilig. Hopia na kung hopia. Pero... mukhang totoo na lahat ng to eh. Kaya pala.. kaya pala deny sila ng deny. Gagawin palang pasabog. *wink*









Our Point Of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon